Sa pamamagitan ng isang Circular ng Ministry of Health, Agenzia Italiana del Farmaco (AIFA) at Istituto Superiore di Sanità (ISS), ay sisimulan na ang pagbabakuna ng fourth dose ng anti-Covid vaccine sa Italya, sa mga over 60s at mga mayroong health issues o may vulnerable health conditions. Ito ay matapos maitala ang muling biglang pagtaas sa bilang ng mga positibo sanhi ng Omicron 5. Sa katunayan, ang mga Rehiyon ay inihahanda na ang kani-kanilang sistema para sa booking nito. Narito ang mga dapat malaman.
Mandatory ba ang fourth dose ng bakuna kontra Covid?
Sa kasalukuyan ang fourth dose ay hindi mandatory. Hindi para sa mga senior citizens, hindi para sa mga mayroong health issues at hindi rin kahit sa mga health workers ngunit ito ay inirerekomenda sa mga sumusunod:
- Over60s;
- Sa mga naka-confine sa RSA;
- Mga mayroong health issues o pathology mula 12 anyos
Lahat ng mga hindi nabanggit na kategorya ay hindi pa maaaring magpabakuna ng fourth dose sa kasalukuyan. Kaugnay nito, ang unang bahagi ng kampanya ng fourth dose sa bansa na sinimulan noong nakaraang Abril ay nagpapatuloy ngunit 20% lamang ang mga nagpabakuna.
Kailan dapat gawin ang fourth dose?
Inirerekomenda ng bagong Guidelines ng Ministry of Health ang 4th dose ng bakuna kontra Covid sa mga kategoryang nabanggit sa itaas, ngunit kailan ito dapat gawin?
Ayon sa Circular, ang mga kategoryang ito ay maaaring magpabakuna ng 4th dose makalipas ang 120 days o halos 4 na buwan mula sa third dose. Samantala, sa mga nag-positibo sa huling 4 na buwan ay ipinapayong maghintay ng 120 days mula sa araw na nag-positibo.
Para sa fourth dose ay gagamitin ang dalawang mRna vaccines at ang dosages ay ang pinahintulutang dosage para sa unang booster dose – para sa mga adults (mula 18 yrs old) 30 mcg sa 0.3 ml para sa Comirnaty (Pfizer) at 50 mcg sa 0.25 ml para sa Spikevax (Moderna); para sa mga bata – 12 – 17 yrs ay ang Comirnaty vaccine lamang sa dosis na 30 mcg sa 0.3 mL.
Kailan magsisimula ang booking ng fourth dose?
Ang mga rehiyon ay naghahanda ng kani-kanilang online system para sa muling pagbubukas ng booking ng fourth dose. Ang Lazio region ay magsisimula sa July 14 at ang Toscana ay magsisimula naman sa July 12. Ang mga pamamaraan ay nag-iiba sa bawat rehiyon, ngunit karamihan ay online. Gayunpaman, posible ring magpa-bakuna sa medico di base at mga pharmacies. (PGA)
Basahin din:
- Fourth dose sa mga over 60s, aprubado ng ECDC at EMA
- Subvariant ng Omicron ang dominanteng strain ng Covid19 sa Italya ngayon
- Omicron reinfection, ilang beses posibleng mangyari?
- Omicron 5 at ang mga sintomas nito
- Fourth dose ng bakuna kontra Covid, para kanino at kailan magsisimula sa Italya