in

Fourth dose ng bakuna kontra Covid, para kanino at kailan magsisimula sa Italya

Magsisimula na sa Italya ang fourth dose ng bakuna kontra Covid19. Ito ang naging desisyon ng Ministry of Health, Higher Institute of Health (ISS) at Italian Medicines Agency (AIFA) matapos ang anunsyo ng EMA at ECDC ukol sa second booster dose ng anti-Covid-19 vaccine.

Narito ang mga detalye 

Ang bakuna ng fourth dose 

Ang mga bakuna para sa fourth dose na aprubado sa Italya ay ang Spikevax mRNA Moderna at Comirnaty BioNTech / Pfizer.

Kailan dapat gawin ang fourth dose?

Ang fourth dose ay dapat ibigay 120 days pagkatapos ng booster dose

Sino ang mga dapat bakunahan ng fourth dose? 

Ang fourth dose ng bakuna kontra Covid ay ibibigay sa mga higit 80 anyos, ang mga nasa RSA at mga nabibilang sa high risk category na nasa edad sa pagitan ng 60 at 79 anyos. Gayunpaman, sa bagong ministerial circular ay nasasaad na hindi babakunahan ng fourth dose ang mga nag-positibo sa Covid matapos ang third dose. 

Sino ang mga itinuturing na ‘fragile’?

Ang mga fragile patients ay ang mga taong dahil sa katandaan, malalang karamdaman anuman ang edad at may mga therapy ay mas nasa panganib hindi lamang na mahawa kundi ang lumala ang kalagayan na may posibilidad na maospital. Ang mga pathologies ay maaaring Respiratory diseases, Cardio-circulatory diseases, Neurological diseases, Endocrine diseases, Liver disease, Cerebrovascular diseases, Hemoglobinopathies.

Sino ang mga ‘super fragile’?

Sa Italya ay patuloy ang pagbabakuna ng fourth dose upang makumpleto ang cycle ng bakuna para sa mga tinatawag na ‘super fragile’ (tinatayang aabot sa 900,000) , gaya ng mga pasyenteng immunocompromised at mga pasyenteng sumailalim sa organ transplant.

Bakit hindi sa mga under 60s?

Napagpasyahan na huwag munang ibigay ang second booster dose sa mga under 60s sa Italya. Sa katunayan, sa edad na ito, sa ngayon, wala pang partikular na benepisyo ang napatunayan sa panibagong dosis ng anti Covid mRna, kahit na sa ibang bahagi ng mundo ang fourth dose ay ibinibigay mula sa 50 anyos.

Gayunpaman, ipinapayong konsultahin muna ang medico di base bago sumailalim sa fourth dose. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pasqua 2022, mga regulasyon sa mga religious activities

Bagong XE variant, dapat bang katakutan?