in

Fourth dose sa mga over 60s, aprubado ng ECDC at EMA 

Inaprubahan at inirerekomenda ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC) at ng European Medicines Agency (EMA) ang pagbabakuna ng fourth dose, o ang second booster dose laban Covid sa mga over 60s at mga taong may vulnerable health conditions. 

Samakatwid ay magkakaroon ng update sa April Guidelines sang Italya bilang tugon sa kasalukuyang epidemiological situation. 

Binuksan na ng ECDC at EMA ang fourth dose sa mga over 60s at mga vulnerable ang kalusugan”, ayon kay Minister of Health, Roberto Speranza. Aniya, ngayong araw ay ia-update ng ahensya ang Guidelines at Circular ukol dito. Dagdag pa ng Ministro na sa lalong madaling panahon ay sisimulan ito sa mga over60s. Babala pa ng Ministro na patuloy na maging maingat dahil hindi pa tapos ang pandemya. 

Double time para sa vaccination campaign para sa mga over60s”, ayon kay EU Health Commissioner Stella Kyriakides. Inanyayahan din ng Commissioner na agad na ilunsad ang kampanya ng mga kasapang bansa ng EU. Sa ganitong paraan, aniya, ay mapoprotektahan natin ang ating mga sarili, mga mahal sa buhay at ang buong populasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lucky Me Instant noodles, ipinatigil ang pagbebenta sa Italya

Fourth dose, narito ang mga dapat malaman