Ministro Duflot: "'Ito ay isang pangangailangan, isang pangako ng Pangulo"
Paris, Setyembre 19, 2012 – Ang mga non-EU nationals na residente sa Pransya ay maaari ng bumoto sa local election simula 2014.
Ito ang ipinahayag ng Ministro ng Pabahay, Cecile Duflot, sa kanyang pagsasalita sa Radio France Inter.I
Ang karapatang bumoto ng mga dayuhan na hindi mula sa European Union "ay isang pangangailangan, isang pangako ng Pangulo ng Republika," ang mga pangungusap ni Duflot at binigyang diin na gagawin sa susunod na taon at iaptutupad simula 2012.
Ang Repormang ito ay nangangailangan ng isang pagbabago sa Artikulo 3 ng Konstitusyon kung saan nasasaad na ang mga botante ay mga Panses na nasa tamang edad . Ang mga dayuhang mula sa European Union ay maaari ng bumoto sa mga munisipyo sa pamamagitan ng isnag batas noong 1998 ngunit hindi maaaring mahalal bilang alkalde gayun din ang lumahok sa halalan sa Senado.