in

Free Mask Distribution sa Tuscany Region

Magsisimula na ang delivery ng mga face mask sa mga Comune sa Tuscany region”, ito ay kinumpirma ni Tuscany Region President Enrico Rossi. 

Ito ay matapos unang i-anunsyo ni Rossi sa social media na nais gumawa ng isang ordinansa na mag-oobliga sa paggamit ng mask sa paglabas ng mga tahanan. 

Maraming pagkakamali mula sa mga mamamayan at patuloy din ang ‘assembramento’ o pagkukumpol kumpol ng mga tao at dahil dito ay nais kong gawin itong isang ordinansa”. 

Ang aking intensyon ay ang gawing executive order sa bawat Comune ang obligadong paggamit ng masks mula sa araw na matapos ang free distribution sa mga Comune”, aniya.

Hiling ko din sa mga Mayors na ideliver ang mga masks house-to-house upang maayos itong mai-deliver at maiwasan ang anumang pagtitipon-tipon at kaguluhan. May 2 hanggang 3 masks katao. Hindi sapat ang aming mga masks sa ngayon ngunit ito ay ang ehemplo na nais naming tularan ng ibang rehiyon”. 

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Rossi na “isang pag-iingat upang maiwasan ang mahawa ng virus at para sa akin ay tamang ito ay magmula sa Regional Health Sevices. Pagkatapos ng unang 10 milyong masks ay umorder pa kami ng karagdagang 20 milyon at ipagpapatuloy namin ang pamimigay ng mga masks. Marami ang mga producers sa Toscana ang gumagawa ng mga masks. Ang free distribution na ginagawa namin ngayon ay dahil na rin sa mataas na presyo ng mga masks. Ito ay nais naming ipagpatuloy”. 

Sang-ayon din si Florence Mayor Dario Nardella sa ordinansa. “Sa patuloy na pagko-kontrol at paghihigpit ay nakikita ang pagsunod ng mga mamamayan at kailangang magpatuloy sa dirkesyong ito. Kailangang pirmahan ang ordinansa na mag-oobliga sa paggamit ng mask ng lahat ng lalabas ng bahay”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halos 190,000 katao, nakontrol ng awtoridad kahapon, April 5

Masks distribution sa Lombardy region, sisimulan sa susunod na linggo