in

Front office para sa Ikalawang Henerasyon, bubuksan sa Milan

Isang tanggapan ang magbibigay impormasyon sa mga kabataan ng Ikalawang Henerasyon sa Milan.

Milan – Peb 6, 2013 – Simula sa Marso Via Dogana 2, Milan, (Informagiovani) ay bubuksan ang isang tanggapn na magbibigay impormasyon kung paano magkakaroon ng Italian Citizenship.

“Layunin ng front office ang magbigay indikasyon sa mga kabataan kung paano magkakaroon ng Italian Citizenship pagsapit ng labinwalong taong gulang”, ayon sa Comune di Milano. “Ito ay nakalaan sa Ikalawang Henerasyon ng mga kabataan sa Milan, na binubuo ng mga Chinese (84.2%), mga Pilipino (84.1%), Singhalese (83.3%), Moroccan (76.2%), Peruvians (72.9%), Albanians 70.6%), Equadorians (63.8%), Salvadorian (63.2%), Egyptians (61.7%), Romanians (53.8%)”.

Apat na pawang mga kabataan rin buhat Maroccan, Pakistani, Palestinian at Eritrean origin, na nakatanggap ng citizenship sa pagsapit ng 18 taong gulang ang magbibigay ng mga impormasyon.   

 “Ang mga dayuhang residente sa Milan ay tinatayang aabot sa 45.793 sa taong 2011. Bilang na tatlong doble ang itinaas mula taong 2001 (17.374) at nadoble naman kumpara sa taong 2006 (34.575).

Ang mga menor de edad na dayuhan ay 22.8% ng kabuuang bilang ng mga minors na residente sa lungsod (200.634). At base sa mga datos na ito, ang mga menor de edad na sa taong 2013 ay magiging 18 taong gulang na maaaring mag-aplay ng citizenship ay aabot sa 666.

Samantala ang mga residente naman na pinagkalooban na ng citizenship sa huling nakaraang tatlong taon ay 1.098. Ang mga nationality ng mga kabataang nag-aplay para sa Italian citizenship na itinuturing na mga pangunahing bansang nakatanggap nito ay ang Pilipinas, China, Egypt, Sri Lanka at Peru”.  

Ang tanggapan ay magsisilbing lugar o laboratoryo rin kung saan maaaring magpulong, magtulungan, magpalitan ng kuro-kuro at mag-organisa ng mga cultural events tulad ng Second Edition ng Festival RiGenerazioni, gayun din lugar kung saan maaaring magkaroon ng mga ‘formation courses’ukol sa ‘identity’ ng mga kabataan na karaniwang nahahati sa kultura ng mga magulang at ng bansang Italya, at kung paaano haharapin ang mga bagay na nauukol dito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippines participates in Milan’s international home show

Indefinite TRO, ibinaba ng SC