Kasama ang citizenship sa repormang haharapin ng bagong partido.
Binanggit din ang imigrasyon at citizenship sa mga dokumentasyon at repormang haharapin ng FUTURO E LIBERTA’ PER L’ITALIA, na opisyal na binuksan sa isang pagtitipon sa Milan.
Ang programa ng partido ni Fini ay umatakeng muli sa gobyerno sa pag-papaubaya sa isang diskarteng makatao na hindi naghahanap ng solusyon, ngunit kumukuha ng atensyon ng mga spia at madaling kasunduan. Ang pananaw sa pagharap ng suliranin ay di malinaw at puno ng pagkukunwari at paninisi, halimbawa sa public order, kung saan ang palaging kasagutan ay ‘kasalanan ng mga dayuhan’.
‘Futuro at Libertà’ – sabi pa sa isang punto – ay isang partidong pambansa at pang Europa kung saan ang lahat ng mga mamamayang Italyano at Europeyo ay maaaring maging miyembro, maaaring magpasya at ihalal sa isang posisyon kahit saang parte ng mundo naninirahan at isang partido kung saan maaaring matagpuan kahit hindi mga Italians, ngunit ligal na naninirahan sa ating bansa na buong loob na sumusunod sa mga batas at kabahagi ng mga mahahalagang values ng bansa. Para sa ’Futuro e Libertà’ ay mahalaga ang prinsipyo ng “Ang Italia ay para sa mga nagmamahal sa kanya.”
Pagpaptuloy pa ng reporma, ang Fli ay nagmumungkahi na ‘tumigil na sa isang panay na pagtuligsa sa mahalagang bahagi ng migrasyon’.‘Kung ang politika sa pagharap sa iligal na imigrasyon ay nagbigay ng magandang mga resulta (kasama ang pangangalaga sa dignidad ng tao), ngayon ay panahon na upang harapin ang kabilang parte, ang tunay na stratehiko ukol sa mga bagong mamamayan, batay sa prinsipyong ‘Ang Italya ay para sa sinuman nagmamahal sa kanya’ at ang kinakailangang pagkilala sa pagiging Italyano ng mga anak ng mga imigranteng ipinanganak sa ating bansa, at lumalaki sa ating mga paaralan, hindi na maaaring ipagpatuloy ang pagkilala sa kanila bilang mga ‘dayuhan’ na may pantay na pagkilala at makatarungang pagtanggap.