Ang G20 ay gaganapin sa unang pagkakataon sa Italya, sa pamumuno ni Punong Ministro Mario Draghi. Ang mga heads of state at ang kanilang gobyerno ay magpupulong sa “La Nuvola di Fuksas” sa Eur. Ang tatlong pangunahing tema ay ukol sa Covid19 Emergency: ang bakuna kontra Covid19 sa buong mundo, climate crisis at ang post-pandemic.
Ang G20 summit sa taong ito ay gaganapin, sa unang pagkakataon mula ng maitatag ito noong 1999, sa Roma, sa Oct 30 at 31, sa ilalim ng pamumuno ng Punong Ministro ng Italya na si Mario Draghi. Magtitipun-tipon ang 20 bansa na kinabibilangan ng mga bansang: Saudi Arabia, Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, South Korea, France, Germany, Japan, India, Indonesia, Italy, Mexico, United Kingdom, Russia, United States, South Africa, Turkey at ang European Union. Bukod sa mga nabanggit, ang Spain bilang permanenteng panauhin ng G20. Ang 20 nabanggit ay kumakatawan sa 60% ng world population, 75% ng global trade at higit sa 80% ng international GDP.
Dadalo ang mga Heads of State at ang kanilang gobyerno at ang mga pangulo ng European Commission at ang head ng European Council na sa taong ito ay sina Ursula von der Leyen at Charles Michel.
Ang summit ay kumakatawan sa ‘arrival’ ng mga pagpupulong na ginanap sa buong taon sa pamamagitan ng mga ministerial meetings, working groups and engagement groups, at iba’t ibang mga meetings kung saan lumahok din ang mga kinatawan para sa mga nabanggit na pangunahing tema.
Inorganisa ng Italya ang mga sumusunod na tatlong haligi ng diskusyon: People, Planet and Prosperity. Bukod sa mga paksang nasa calendar na (Covid19, environment, energy, right, world trade, fight against poverty) ay idinagdag ang Afghanistan, na sinakop muli ng mga Talibans makalipas ang 20 taon.
Rome: seguridad at mga welga
Ang buong lungsod ng Rome ay sasailalim sa mabigat na seguridad at mapapaligiran ng mga alagad ng batas bago pa man ang dalawang araw ng G20 summit at isang araw pagkatapos nito. Sasabayan ito ng pagsasara ang maraming Metro station at mga kalsada at detour ng mga public transportation.
Ito ay upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod, maging mapayapa ang pagdating at pananatili ng 20 Head of States, maging matagumpay ang summit, mabantayan ang seguridad ng mga mamamayan at mapigilan ang kaguluhan sa mga welga ng No Vax at no Green Pass at panganib na makalusot ang mga anarkista at ekstremista.
Bukod dito, Biyernes pa lamang ay magkakaroon na ng dalawang welga: ang una ay ang mag-aaral ng Fridays For Future. Bukod dito, ang mga aktibista mula sa Oxfam, Emergency at Amnesty International – mga miyembro ng Peoples’ Vaccine Alliance – ay magkakaroon din ng isang flash mob, na naka-iskedyul sa Piazza Vittorio.
Samantala sa Sabado mahigit 10 libong katao ang inaasahan na magmumula sa buong Italya at ibang bansa para sa mag-protesta sa mga inisyatiba ng G20.
Bukod sa mga nakatalagang awtoridad sa kapital, karagdagang 5,296 na binubuo ng 2,542 mga polizia, 1,774 carabinieri, 580 guardia di finanza at 400 na mga militar, at bilang extension ng Operation Roma Sicura ang humigit kumulang na 2,000 mga sundalo. Dinagdagan din ang air surveillance sa tulong ng mga special asset ng sandatahang lakas, kasama ang mga anti-drone system, no-fy zone at mga check point. (PGA)
Para sa karagdagang impormasyon, www.g20.org