Ang Green Pass ay ang Digital Green Certificate na sa kasalukuyan ay isang mahalagang dokumento sa Italya at Europa.
Sa Italya, simula noong August 6, ang Green pass ay mandatory sa pagpasok at sa dine-in sa mga restaurants. pati sa museum, cinema, theaters, gym, amusement centers at iba pa. Ito ay mandatory din sa mga paaralan at unibersidad at long-distance transport simula Sept. 1. At sa pinakahuling inaprubahang batas, ang Green pass simula October 15 ay mandatory na din sa lahat ng work place. Ang Italya ay ang unang bansa sa Europa na nag-oobliga sa pagkakaroon ng Green pass sa mga manggagawang public at pribado.
Magkakaroon ng Green Pass ang isang indibidwal matapos:
- bakunahan ng first dose o single dose;
- makumpleto ng dalawang dosis ng bakuna kontra covid;
- mayroong negative result sa PCR Molecular test o Rapid test;
- gumaling sa Covid19;
Ang validity ng Green Pass
Ang validity ng Green pass ay iba-iba batay sa uri nito.
Para sa mga nabakunahan ng first dose, ang Green pass ay maaaring makuha ilang araw makalipas mabakunahan at ito ay balido hanggang sa ikalawang dose.
Sa kasong nakakumpleto na ng dalawang dose, ang Green pass ay makukuha ilang araw makalipas at ito ay balido ng 12 buwan o 1 taon mula sa petsa ng huling bakuna.
Sa kasong single dose ang bakuna, ang Certificate ay balido ng 12 buwan o 1 taon.
Sa kaso ng negative result, ang Greenpass ay 48 oras mula sa oras ng Rapid test. Balido naman ng 72 oras ang Green pass mula sa oras ng molecular test.
Sa kaso ng paggaling sa Covid19, ang Certificate ay makukuha sa susunod na araw, at balido ng 180 days o anim na buwan. (updated – PGA)
Basahin din:
- Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.
- Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto
- Narito ang 5 paraan kung paano magkaroon ng Green Pass
- Walang SPID? Narito kung paano magkaroon ng Green Pass
- Hindi natanggap ang Authcode para sa Green Pass? Narito kung paano magkaroon nito.
- No Green pass, No work, No pay