in

Ganito ang Italian language exam para sa carta di soggiorno!

Tatlong mga pagsusulit: pakikinig, pagbabasa at pagsusulat. 80 tamang sagot out of 100, para ipasa ang exam!

Roma – Nagsimula na sa buong Italya ang exam sa italian language, na ngayon ay obligado na para sa mga nais na makakuha ng long term residence permit o lalong kilala sa carta di soggiorno.

Ang nilalaman nito ay nag-iiba sa bawat paaralan, dahil ito ay ginagawa sa bawat exam ng isang komisyon na binubuo ng school principal at ng dalawang Italian teachers. Ang Ministri ng Edukasyon ay naghanda ng isang vademecum para sa mga komisyon, na mayroong mga indikasyon para sa pagsubok na syang nag gagarantiya ng pagkakapareho nito.
Ang pagsubok ay nahahati sa tatlong bahagi; pagsusulit sa pakikinig, pagbabasa at pagsusulat. Ang aplikante  ay dapat munang makinig sa dalawang maikling teksto, na may mabagal at malinaw na pronunsya, tulad ng isang diyalogo, anunsyo at  tagubilin, tulad sa radyo o TV. Pagkatapos nito ay tatanungin upang makita kung naiintindihan ang mga pangunahing elemento.

Pagkatapos nito ay ang pagsubok sa pagbabasa. Una sa lahat, ang mga aplikante ay makikinig ng dalawang maikling teksto, tulad ng isang sulat mula sa himpilan ng pulis (Questura), o isang pampublikong  abiso  o isang artikulo sa pahayagan o mga tagubilin ng isang aparato para sa pang araw araw na gamit. Kahit dito, ay may mga katanungan upang matukoy ang antas ng pang-unawa ng binasa.

Ang panghuli ay ang pagsusulat ng isang testo. Ang aplikante ay tatanungin, halimbawa, na isulat ang isang simpleng e-mail o i-fill up ang isang form ng kanyang personal na impormasyon.

Sa kabuuan, ang pagsubok ay tumatagal ng anim na pung minuto. Dalawampu’t-limang minuto ay para sa pagsubok ng pakikinig, kung saan ay may tatlumpung puntos ang aplikante, 25 minuto upang magbasa na may 35 puntos at sampung minuto sa pagsubok sa pagsulat na may 35 puntos.

Upang ipasa ang pagsubok, kailangan ang total ng walong pung tamang sagot. Ang mga papasa ay maaaring mag-aplay para sa long term residence permit , ang mga hindi naman papasa ay nananatiling sa libro muli, upang mag aral at subukan muli ang exam.

Il vademecum ng italian test è makikita sa:
http://www.stranieriinitalia.it/news/vademecum18gen2011.doc

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga katanungan? Sagot mula sa Linea Amica Immigrazione

San Marino, nagkakasal sa ngayon sa mga walang permit to stay!