in

Gas: Makakatipid ng 90 euros sa taong 2013

Simula Abril, isang pagbaba ng 6-7% o katumbas ng halos 90 euro yearly.

Roma, Enero 21, 2013 – Magandang balita para sa mga pamilya: ang bill sa gas ay bababa sa taong 2013 ng 6-7%, o isang pagtitipid ng halos 90 euro yearly. Ito ay ayon sa Gas authority at ipinaliwanag na ang pagbaba ng presyo ay dahil sa paggamit ng new updates mechanism ng raw material. Positibo ang ginawang anunsyo ng pagbaba ng presyo matapos ang isang pagtaas ng 13.4%, sa taong 2012 sa kuryente at gas na halos dobleng halaga kumpara ng taong 2011 (6,3%).

Kinumpirma ni Coldiretti base sa official datas ng Istat ukol sa inflation, sa pagsasabing ang tinatayang pagtitipid ng 90 euro yearly batay sa nabanggit na pagbaba ng mga bills simula Abril. “Ang pagtaas ng bills sa panahon ng krisis ay mayroong dalawang negative effects– ayon kay Coldiretti – dahil ito diumano ay magiging sanhi ng pagbaba ng purchasing power (potere d’acquisto) ng mga mamamayan at pamilya at pagtaas naman ng factory price lalo na sa agribusiness”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tina Paner, balik Pilipinas matapos ireklamo ng mga ofws sa Spain

20,000 enrollments online kahapon