in

Germany, dual citizenship sa mga ipinanganak sa bansa

Itinalaga ng batas na ang mga anak ng mga migrante na ipinanganak at nanirahan o nanatili ng kahit walong taon lamang sa Germany, nag-aral ng kahit na anim na taon sa paaarlan ng bansa ay maaaring magkaroon ng german passport.

Roma, Abril 1, 2014 – Ang mga anak ng dayuhang ipinanganak sa Germany ay maaaring makakuha ng dual citizenship.

Ito ang ipinagtibay ng batas bilang resulta ng isang kasunduan ng majority sa gobyerno, na binubuo ng mga Conservative party  sa pangunguna ni Angela Merkel at ng Social Democratic Party.

Itinalaga ng batas na ang mga anak ng mga migrante na ipinanganak at nanirahan ng kahit walong taon sa Germany, pumasok sa paaralan ng bansa ng kahit na anim na taon, ay maaaring magkaroon ng german passport.

Ang batas ay isa sa mga kondisyong ipinataw ng left-wing political party sa gobyerno at may layuning paboran ang malaking komunidad ng mga Turkish sa Germany, na kasalukuyang mayroong 11 million immigrants. Para sa mga EU at Swiss nationals ay posibleng magkaroon ng german passport makalipas ang 8 taon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, ni-report dahil sa pangingikil

AS FIL, sa unang taon