Simula May 10, dalawa ang magiging kulay ng mga Rehiyon sa Italya: zona gialla at zona arancione. Walang rehiyon ang nasa ilalim ng zona rossa.
Batay sa weekly monitor ng Ministero della Salute at Istituto Superiore di Sanità, ang Valle d’Aosta ay babalik sa zona arancione, kasama ang Sicilia at Sardegna na mananatili sa zona arancione.
Samantala, ang mga rehiyon ng Puglia, Basilicata at Calabria ay mapupunta naman sa zona gialla.
Samakatwid, nasa ilalim ng zona arancione ang mga rehiyong: Valle d’Aosta, Sicilia at Sardegna.
Nasa zona gialla naman ang mga sumusunod na rehiyon:
Puglia, Basilicata, Calabria, Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia, Marche, Molise, PA di Bolzano, PA di Trento, Piemonte, Toscana, Umbria at Veneto.
Isang bagong ordinansa ang pipirmahan ni Health Minsiter Roberto Speranza sa pagpapatupad ng mga bagong kulay ng mga rehiyon. (PGA)