Roma – Abril 22, 2013 – Giorgio Napolitano, isa sa mga pinaka importanteng lider ng dating Partito Comunista Italiano, ay ang unang Pangulo ng Republika na muling nahalal.
Siya ay itinalaga sa unang pagkakataon noong May 10, 2006 sa ika-apat na botohan at nakatanggap ng 543 na boto, hindi kabilang ang centre-right coalition ni Silvio Berlusconi.
Sa ngayon, ang dating Speaker ng Kamara taong 90’s at naging Minister of Interior ng unang gobyerno ni Prodi, ay nakatanggap ng 740 votes sa ika-anim na botohan, at sa pagkakataong ito ay kasama ang bendisyon ni Berlusconi.
Ang muling pagkaka-halal bilang bagong Pangulo, sa edad na halos 88 anyos at makalipas ang ilang pagtanggi sa nominasyon ay isang sanyales ng mabigat na sitwasyon ng politika sa bansa habang ang krisis sa ekonomiya ay palalà ng palalà.
"Sa aking palagay ay hindi tama at tapat ang sabihing: ‘Magtiwala kayo, hanggang sa edad na 95 ay aking magagampanan ang pagiging Pangulo ng Repubblica’. Kailangang isaalang-alang ang edad”, ayon kay Napolitano noong nakaraang buwan sa Berlino.
Ngunit pagkatapos ang psychodrama na pinagdaanan ng kanyang partido noong nakaraang 24 at 25 ng Pebrero, na nagpahintulot sa PD ang pagkakaroon ng bilang o majority sa Kamara ngunit hindi sa Senado – naramdaman ni Napolitano ang pangangailangang mag-iba ng direksyon, tulad na rin ng kanyang sinabi, “sa tawag ng responsabilidad para sa sariling bayan”.
Ang labanan sa pagitan ng mga Democrats, naputol sa pamamagitan ng pagpili sa isang kasunduan sa pagitan ng M5S o ng 20 taon ng kalabang si Berlusconi, ay nag-iwan ng mga biktima na maituturing na mahalaga upang magpatuloy.
Ang pagbibitiw kamakailan nina Rosy Bindi at Pier Luigi Bersani, ay naiwang ulila ang nangungunang partido sa Parliyamento, at nag-iwan ng isang malaking hamon.
Nakontrol ni Napolitano ang sitwasyon noong nakaraang Nobyembre 2011 sa pagtatalaga bilang Pangulo ng Konseho (tecnico) kay Mario Monti kapalit ni Berlusconi, tinuligsa ng PD para sa kanyang political austerity at naging recession pagkatapos, gayunpaman ay nagustuhan ng Europa at tinulungan, kasama ni Mario Draghi sa European Central Bank sa pagpapanumbalik ng kumpiyansa sa Italya.
Kahit ang US President Barack Obama ay ipinakita ang pagpapahalaga sa naging kilos ni Napolitano, na pinatunayan ang pgiging reference point sa isang bansang nasasailalim sa krisis ng katatagan.
Hatinggabi ng Easter nang mag-pasyang magbitiw sa tungkulin upang mapabilis ang pagbuo ng bagong gobyerno, ang nagkumbinsi sa kanyang manatili ay isang tawag kay Draghi, bilang head ng BCE ay nagpayong huwag lisanin ang bansa sa mapanganib na kawalan sa mangunguna dito.
Ngayon si Napolitano ay tinawag na muli upang tanggalin ang mga buhol sa naging risulta ng eleksyon, sa pagitan ng tatlong minorities na kasalukuyang nasa Parliyamento: centre-left, centre-right at M5S.
Sa ginanap na halalan, si Napolitano ay mananatili sa Quirinale hanggang sa 2020 at dapat na kumilos para sa pagkakaroon ng isang bagong pamahalaan ng isang bansang nagkakaisa kasama ang mga partidong bumoto sa kanya. Halalan na tila hindi na isang teorya lamang," sinabi diumano sa isang senador ng Democratic Party.
Ito ay nakumpirma sa pamamagitan naman ng isang miyembro ng PDL: "Ang isang halalan ay magiging daan upang mapabilis ang pagbuo ng isang gobyerno suportado ng center-right at center-left."