Inatasan ni Sergio Matarella si Giuseppe Conte na mag-buo ng gobyerno: “Ako ang abugado ng Italya” “Mabubuo ang isang gobyerno ng mga pagbabago”.
“Sono professore e avvocato, ho perorato cause di varie persone e ora difendo l’interesse degli italiani in tutte le sedi Ue e internazionali dialogando con le istituzioni Ue e con gli altri Paesi. Mi propongo di essere l’avvocato difensore del popolo italiano“.
“Fuori da qui, c’è un Paese che attende la nascita di un esecutivo e attende risposte, quello che si appresta a nascere sarà il governo del cambiamento”. “Il contratto su cui si fonda a cui ho dato un contributo, rappresenta in pieno le aspettative di cambiamento dei cittadini, lo porrò a fondamento dell’azione di governo“.
Ito ang mga sinabi ni Conte sa ginanap na press conference pagkatapos ng halos dalawang oras na pakikipag-usap sa presidente ng Republika, Sergio Matrella.
Si Giuseppe Conte, isang jurist, ay ang ika-65 presidente ng Konseho at ang ika-6 na Prime Minister sa Palazzo Chigi na hindi hinalal.
Si Conte, 54 anyos ay isang abugado at propesor sa University of Florence na pinili at inatasan ng M5S at Lega na maging Prime Minister makalipas ang ilang buwan ng eleksyon. Bagaman mahabang panahon ang karera bilang propesor ay walang direktang karanasan bilang isang politiko (maliban ang iboto ang kaliwa sa nakaraan, ayon dito).
Ang kanyang pangalan ay unang lumitaw nang banggitin ni Luigi Di Maio, bago ang eleksyon, bilang future Minister of Public Administration.
Bukod dito, si Conte ang gumawa ng Justice program ng M5S na lalong nagpalapit sa dalawa. Sa katunayan, sa pagpapakilala sa team ng M5S ay binigayng diin ni Conte na kailangang tanggalin ang mga walang halagang batas, na hihigit pa sa 400 batas na binanggit ni Di Maio, palakasin ang anti-corruption law at repasuhin halos ang buong reporma ng paaralan.
Isang mala-magkaibigan ang naging pagkikita ng dalawa. “Kami ay personal na nag-usap ng kasalukuyang sitwasyon”. Ipinaalala ni Matarella kay Conte ang kanyang papel at obligasyon na nasasaad sa Kostitusyon bilang Presidente ng Konseho. Ayon sa artikolo 95 ng Charter “ang Presidente ng Konseho ang namamahala at nangunguna sa pangkalahatang patakaran ng Gobyerno at siya ang responsable para dito. Nagpapanatili ng pagkakaisa sa politika at administrasyon at isinasaayos ang mga gawain ng Gabinete”.
Binigyang diin din ng presidente ang “krisis sa ekonomiya at ang pangangailangang tiyakin sa mga Italyano ang pinansiyal na seguridad”.
Bilang karagdagan sa Artikulo 95 ng Konstitusyon, inulit din ni Matarella ang “ang pangangailangang respetuhin ang mga prinsipyo ng Konstitusyon, kabilang artikolo 81 ukol sa pinansyal na sitwasyon ng bansa”.
Ang vote of confidence ay maaaring sa Martes o Miyerkules sa susunod na lingo.
https://www.facebook.com/akoaypilipinoitalya/videos/1968294873245839/