Pormal na nagbitiw sa posisyon si Giuseppe Conte bilang Presidente ng Konseho ng mga Ministro kaninang umaga. Ang konseho ay nagtapos sa mainit na pamamaalam at palakpakan mula sa kanyang mga ministro.
Nagtungo na din si Conte sa Presidente ng Republika Sergio Mattarella upang iabot ang kanyang pagbibitiw. Makalipas ang kalahating oras ay nagtungo naman sa Palazzo Giustiniani at kinausap ang Presidente ng Senado Elisabetta Casellati. Nagtungo din sa Camera dei deputati para kausapain si Presidente Roberto Fico.
“Ang konsultasyon sa mga partido sa pagbuo ng bagong gobyerno ay magsisimula bukas ng hapon”. Ito ang inanunsyo ng Gen Secretary ng Quirnale Ugo Zampetti.
Ang Presidente ng Republika ay walang ginawang anumang desisyon. At inanyayahan ang Gobyerno na manatili sa posisyon at harapin ang mga gawaing nangangailangang tapusin.