in

Green Card Lottery sa USA, nanganganib matanggal

Ang Green Card Lottery taun-taon ay maaaring matanggal ng reporma sa imigrasyon. Protesta ng Black Caucus “Wala nang pagkakataon ang mga Africans”.

Roma, May 14, 2013 – Tila wala ng pag-asa ang Green Card Lottery, na pangarap ng libu-libong mamamayan ng buong mundo na nagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng permanent permit to stay sa United States. Ang bipartisan immigration reform na inilahad sa Senado ay nagnanais na tanggalin ito.

Mapait na balita para sa mga imigrante na naghahangad nito: Matatandaang noong nakaraang taon ay lumahok sa kilalang Green Card Lottery ang halos 8 milyon katao para sa kabuuang 55,000 green cards lamang na nakalaan lalong higit para sa mga mamamayan ng mga bansa kung saan ang imigrasyon sa bansang USA ay di gasinong mataas tulad ng Africa at Caraibi. At dahil sa kadahilanang ito ang Black Causus, ang grupong binubuo ng mga Afro-American parliamentarians ay tinutuligsa ito: “Ang pagtatanggal sa Green Crad Lottery ay magtatanggal din sa pagdating ng mga imigrante buhat sa Black Continent”, ayon sa grupo.

  “Ang ganitong uri ng mga visa ay isa sa bihirang paraan kung paano ang mga mamamayan buhat sa Africa at Caraibi ay maaaring makapasok ng bansa – ayon kay Donald Payne, isang democrat ng New Jersey – tinutukoy dito ang isang reporma na nagpapahintulot sa pagkamamamayan ng 11 milyong katao at sinusuportahan ko ito ng buong puso. Ngunit bakit tatanggalin ang isang programa kung saan 1 milyong katao ang lumalahok para sa pagbibigay ng 55,000 green card?”.

Samantala, maging si Charles Schumer, isang Democrat senator ng Bipartisan group na nakikipagkasundo para sa reporma ay tumutukoy sa maraming uri ng panloloko sa panahon ng ‘web’ na umiikot sa likod ng Green Card Lottery. Sa katunayan, maraming websites, ang nagpapanggap ng pagiging ahensya ng gobyerno ang mga nangangako ng asistensya at tulong upang mapanalunan ang pinapangarap kapalit ng kabayan nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Estrada, idineklara nang Alkalde ng Maynila

“Ius soli, hindi maaaprubahan” – Maroni