Tulad ng mga matatanda, simula August 6, ang mga menor de edad sa Italya na may edad 12 taong gulang pataas ay kailangang mayroong Green pass upang makapasok sa iba’t ibang commercial activities tulad ng amusement park tulad ng Gardaland at Mirabilandia, hanggang sa al fresco dining sa mga restaurants.
Green Pass, ang regulasyon sa mga under 12
Ang mga menor de edad ay nahahati sa dalawang bahagi:
- ang mga bata mula 12 taong gulang pataas (at samakatuwid ay maaaring mabakunahan ng Pfizer) ay obligadong magkaroon ng Green pass.
- ang mga under 12 o batang wala pang 12 anyos ay hindi obligadong magkaroon ng Green pass.
Ito ang nasasaad sa FAQs na inilathala sa website ng gobyerno www.dgc.gov.it.
Kung ang patakaran ay hindi mababago, sa ilang pagkakataon, ito ay maaaring maging sanhi ng hindi kanais-nais na sitwasyon: ang mga bata over 12 na walang green pass ay hindi maaaring makapasok kasama ang mga magulang na bakunado sa mga lugar kung saan mandatory ang green pass.
Samantala, habang sa Italya ay hindi pa pinahihintulutan ang bakuna kontra Covid19 sa mga bata na under 12, ang green pass ay hindi rin magiging mandatory para sa kanila. Hindi katulad ng mga batang over 12, simula sa August 6 ay kailangang ipakita ang pagkakaroon ng greenpass upang makapasok kasama ang mga magulang sa cinema, museums, theaters at cultural, social, recreational at sports centers at iba pang mga aktibidad na ginagawa sa indoors.
Gayunpaman, ang mga may edad na mas bata sa 6 na taong gulang, bukod sa hindi obligadong magkaroon ng green pass at exempted din sa pagsusuot ng mask sa indoors. (PGA)