Mananatiling balido ang mandatory Covid vaccination hanggang June 15, at mananatiling balido pa rin ang mga multa sa paglabag.
Ang huling dekreto na inaprubahan ng gobyerno ay naglalaman ng kalendaryo ng unti-unting pagtatanggal ng mga covid restrictions. Ang mandatory Covid vaccination ay tatanggalin: hindi para sa lahat at hindi pa sa ngayon. Ito ay nakatakdang magtapos sa June 15, 2022. Gayunpaman, mayroong mga nakatakdang pagbabago sa anti-Covid restrictions simula April 1.
Super Green Pass sa workplace, tatanggalin na sa April 1
Unang tatanggalin ang Super Green pass sa workplace sa mga over50s sa April 1. Ito ay nangangahulugan na magbabalik ang Basic Green pass sa lahat ng mga workers, o ang posibilidad na magkaroon ng Green pass sa pamamagitan ng negative covid test. Ito ay mananatili hanggang April 30, 2022. At simula sa May 1, 2022 – kung hindi magkakaroon ng anumang sorpresa sa takbo ng pandemya – ay tuluyang tatanggalin na ang Green pass, pati ang Basic.
Paalala: ang mga workers na walang Basic Green pass simula sa April 1, 2022 ay nanganganib na masuspinde sa trabaho, pati ang sweldo, ngunit hindi naman matatanggal sa trabaho.
Multa at parusa sa mga hindi bakunado
Samakatwid, simula April 1 ay hindi na magkakaroon ng suspensiyon sa trabaho at sa suweldo ang mga ayaw magpabakuna kontra Covid, kahit pa ito ay naging mandatory. Ito ay para sa mga staff ng mga paaralan o mga alagad ng batas, sa kondisyong may negative covid test tuwing 48 oras. Sa kabilang banda, ang € 100 na multa para sa mga over 50s na hindi sumunod sa mandatory covid vaccination ay nananatiling balido hanggang June 15, 2022.
Kailan tatanggalin ang mandatory Covid vaccination sa Italya?
Sa kasalukuyan, ang mandatory Covid vaccination ay extended hanggang December 31, 2022 para sa mga health workers sa RSA. Extended din ang suspension sa trabaho at sa sweldo sa kaso ng paglabag. Para sa ibang mga kategorya, ang mandatory Covid vaccination ay magtatapos sa June 15, 2022. Ito ay ang mga school ang university staff, alagad ng batas at over 50s. Simula May 1, 2022, sa pagtatanggal sa Basic Green pass ay hindi na sasailalim sa kontrol ang mga workers. Ang tanging manganganib ng multa ng €100,00 ay ang mga over50s hanggang June 15, 2022. (PGA)