in

Green Pass, kailan pinawawalang bisa?

Simula August 6, ang Green Pass o ang Digital Green Certificate ay naging bahagi ng araw-araw na buhay sa Italya partikular sa pag-dine in sa mga restaurants hanggang sa gym, mula sa mga cinema hanggang sa mga museums at sa marami pang aktibidad na nasa indoors. Ito ay patuloy na nagiging isang mahalagang dokumento hindi lamang sa Italya kundi sa Europa

Ngunit ang tanyag na Green pass, na nagpapatunay ng pagkakaroon ng bakuna kontra Covid19, paggaling sa sakit na Covid19 o pagkakaroon ng negative result sa Covid test ay maaari ring pawalang-bisa tulad ng mababasa sa website ng gobyerno

Kailan nawawala ng bisa ang Green Pass

Maaaring pawalang-bisa ang Green pass sa kasong mag-positibo sa Covid. Matapos magbigay komunikasyon ng ospital, medico di base o pediatrician, sa national platform na nag-positibo sa Covid19, ang sistema ang maglalagay sa taong bakunado sa ‘lista di revoca’. Pagkatapos ay makakatanggap ng komunikasyon sa pamamagitan ng sms o email na ang hawak na Green pass ay hindi na balido. 

Ang ikalawang kaso ay ang pagsapit sa expiration ng Green pass. Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ang validity ng green pass ay nag-iiba batay sa uri nito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Green Pass: Pagkokontrol ng dokumento, trabaho ng awtoridad

Heat wave, papalo higit sa 40° ngayong linggo