in

Green pass, kailan tatanggalin sa Italya? 

Marami ang nagtatanong kung kailan tatanggalin ang Green pass sa buong Italy. Partikular katanungan ng marami kung ang pagtatanggal sa Green pass ay magaganap sa pagtatapos ng State of Emergency sa March 31, 2022 o makalipas pa ang June 15, 2022. 

Ang pagbaba sa bilang ng mga infected sa Covid ay nagbigaw daan sa gobyerno na bawasan ang mga restriksyon tulad ng hindi na mandatory ang pagsusuot ng mask sa outdoor simula noong nakaraang February 11, 2022. Gayunpaman, nananatiling wala pang malinaw na desisyon ukol sa Green pass. 

Green pass tatanggalin sa March 31, 2022, petsa ng pagtatapos ng State of Emergency?

Ang unang mahalagang petsa ay ang March 31, 2022. Ito ay ang petsa kung kailan magtatapos ang State of Emergency, matapos ang ilang extension. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, tila ang gobyerno ni Draghi ay handa na upang hindi ito i-extend, tulad ng inihayag Undersecretary of Health Andrea Costa kamakailan. Aniya, kung mayroong mga kondisyon para gawin ang desisyong ito, sa katapusan ng Marso ay hindi na palalawigin pa ang State of Emergency.

Ngunit ang petsa ng pagtatapos ng State of Emergency ay hindi kasabay ng petsa ng pagtatapos ng Green pass. 

Makalipas ang March 31, kung walang pagpapalawig sa sitwasyong ng emerhensiya, hindi na magkakaroon ng anumang agarang desisyon ng restriksyon (tulad ng DPCM) at kakailanganing dumaan na ulit sa proseso ng batas o dekreto. Kahit ang mabilis na proseso ng vaccination campaign ay kailangang rebisahin. Wala nang smart working ang mga private workers. Posibleng makalipas ang March 31, ang obligadong pagsusuot ng mask sa indoors ay tanggalin na rin. 

Gayunpaman, ang pagpapatupad sa Green pass ay hindi naka-dipende sa pagpapalawig o pagtatapos ng State of Emergency. Gayunpaman, ang mga patakaran ukol sa Green pass ay posibleng magkaroon ng pagbabago bago pa man ang March 31, 2022. 

Sakaling maging mabilis ang paghusay ng sitwasyon, marahil ay naisin ng gobyerno ang magluwag bago pa man ang March 31, 2022.

June 15, 2022, petsa ng pagtatanggal sa Green pass?

Ang June 15, 2022 ay ang ikalawang mahalagang petsa. Sa nasabing petsa magtatapos ang ilang Covid19 preventions mula sa iba’t ibang dekreto pati ang mandatory Covid19 vaccination para sa mga over50s

Kung makukumpirma ang pagbaba sa bilang ng mga infected at ng mga na-hospitalized, ang Green pass ay posibleng tanggalin kasabay ng pagtatapos ng ilang Covid19 preventive measures. 

Ngunit hanggang sa ngayon, ito ay purong hypotheses lamang. Kakailanganing subaybayan ang magiging takbo ng epidemiological curve sa mga darating na buwan upang maunawaan nang eksakto kung kailan ganap na aalisin ang Green pass sa Italya at hanggang kailan ito gagamitin sa iba’t ibang sektor kung saan kasalukuyang ipinatutupad ang obligasyon: mula sa mga workplace hanggang sa mga cinema, mula sa public transportation hanggang sa mga shops at mga post office.

Samakatwid, ang road map sa pagtatanggal nito ay may ilang hakbang: una ang pagtatanggal sa Green pass sa outdoors (halimbawa bar at restaurant), pagkatapos ay ang unti-unting pagtatanggal nito sa lahat. Dapat tandan na sa ngayon ang linya ni Draghi ay ang panatilihin ang Super Green pass sa mga aktibidad kung saan mataas ang panganib na magkahawahan tulad ng bar, restaurants, cinema at mga theaters. Gayunpaman, masidhi ang panawagan ng mga eksperto na ipagpatuloy ang pag-iingat. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1.11 bilyong euros, natipid ng Inps dahil sa epekto ng Covid

Assegno Unico e Universale, matatanggap din ng mga self-employed na dayuhan at mga refugees