Mahalaga ang muling pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa Setyembre. Sa katunayan ay huling dekreto ay nasasaad ang pagbibigay priyoridad sa nalalapit na School Year 2021-2022 sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga mag-aaral sa regular na face to face schooling o ‘in presenza’ at masigurado ang halaga ng edukasyon at maprotektahan ang sosyal, mental at pisikal na kundisyon ng mga mag-aaral.
Bakuna kontra Covid at Green Pass
Sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ay hindi obligado ang bakuna kontra Covid19. At hindi din mandatory sa pagpasok sa eskwela ang Green pass para sa mga mag-aaral ng Scuola Media at Superiori ngunit nasasaad sa dekreto ang obligasyon ng pagsusuot ng mask sa mga paaralan (maliban sa mga mas bata sa 6 na taong gulang) bukod pa sa ibang health protocols na ipinatutupad tulad ng madalas ng paggamit ng hand sanitizer at ang social distancing. Ngunit kung ang lahat ng mga mag-aaral sa loob ng klase ay bakunado at mayroong sertipiko na gumaling sa sakit na Covid19, ay maaaring manatili sa loob ng klase nang walang mask, batay sa indikasyon ng pricipal ng paaralan.
Gayunpaman, ipinapaalala na ang mga bata mula 12 taong gulang pataas (at samakatuwid ay maaaring mabakunahan ng Pfizer) tulad ng mga adults ay obligadong magkaroon ng Green pass sa pagpasok at pag dine-in sa mga resturants, pagpasok ng cinema, amusement centers, gyms at iba pa.
Samantala, mandatory ng Green pass para sa lahat ng mga university students.
Kaugnay nito, mandatory ang pagkakaroon ng Green Pass ng lahat ng mga empleyado ng mga paaralan at unibersidad upang masiguro ang kalusugan ng publiko at ligtas sa pagsasagawa ng mahahalagang serbisyo. Ang hindi pagsunod sa mga probisyon ay ituturing na ‘assenza ingiustificata’ o hindi makatwirang pagliban sa trabaho at makalipas ang 5 araw ng pagliban, ay isususpinde nang walang bayad. (PGA)
Basahin din:
- Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto
- Green Pass, ang regulasyon para sa mga menor de edad