Nagkaisa ang Konseho ng mga Ministro na aprubahan ngayong araw ang bagong dekreto ukol sa pagiging mandatory ng Green pass sa lahat ng mga empleyado o manggagawa sa publiko at pribadong sektor.
Samakatwid, ang Green pass ay mandatory mula sa mga empleyado ng mga tanggapaang publiko, sa lahat ng mga inihalal o institusyong tanggapan, sa lahat ng mga pribadong manggagawa – mga empleyado at mga entrepreneurs, mula sa mga abugado hanggang sa mga arkitekto, mula sa mga tubero, hanggang sa mga colf at caregivers.
Ang bagong dekreto na binubuo ng anim (6) na pahina at walong (8) artikulo na ipatutupad simula Oct 15 at mananatiling balido sa buong taon ng 2021 o hanggang sa pagtatapos ng itinakdang State of Emergency ng Italya. Ito ay nagsasaad bukod sa pagpapalawak ng Green pass sa mga work place, ito ay nagtatalaga din ng mga parusa, panahon ng pagpapatupad pati ang halaga ng swab test sa mga pharmacies at nagtatalaga din kung sino ang mga responsable sa pagsusuri sa mga manggagawa.
Ang walang Green pass ay hindi maaaring makapasok sa trabaho ngunit nananatili ang karapatang hindi mapatalsik sa trabaho. Nasasaad ang parusa tulad ng multa, suspensyon sa trabaho at paghinto ng pagtanggap ng sahod sa sinumang hindi magta-trabaho ng limang (5) magkakasunod na araw sa kawalan ng Green pass.Ngunit ito ay hindi maaaring umabot sa pagtatanggal sa trabaho. (PGA)
Basahin din:
Mandatory Green pass sa work place, ang bagong dekreto