Simula October 1 ay mandatory na din ang Green pass sa sinumang magpupunta sa Vatican City. Ang Green pass ay maaaring ang Covid Digital Certificate na inisyu ng Vatican mismo o European Green pass o anumang foreign Digital Certificate na magpapatunay na naka-kumpleto ng bakuna kontra Covid19, may negative Covid test o gumaling sa sakit na Covid19.
Ang lahat ng mga turista, peregrino, empleyado, obispo, embahador at tauhang diplomatiko ay kokontrolin ng mga gendarmerie sa lahat ng mga pasukan ng Vatican. Ang walang Green pass ay hindi pahihintulutan sa pagpasok.
Gayunpaman, ay pahihintulutang makapasok bilang exception sa bagong regulasyon ang mga magsisimba kahit walang Green pass “sa panahong igugugol para sa misa, kasabay ng pagsunod sa kasalukuyang mga health protocols tulad ng distancing, pagsusuot ng mask, limtasyon sa sirkolasyon at ang pagbabawal sa pagkukumpol-kumpol ng mga tao”.