in

Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.

Ikalawang summer vacation sa ilalim ng banta ng Covid19. Ang Delta variant ay patuloy ang pagkalat sa Europa. At upang maiwasan ang posibleng pagbabalik muli ng mga restriksyon ay ninais ng gobyerno na lawakan ang gamit ng Green Pass sa mga lugar kung saan karaniwang maraming tao, partikular sa indoors. 

Narito ang ilang katanungang bibigyang sagot ukol sa Green Pass na nilalaman ng inaprubahang decreto ng gobyerno kahapon sa Konseho ng mga Ministro. Ang FAQs.

Kailan mandatory ang Green Pass? 

Ang Green Pass ay mandatory simula August 6, sa mga over 12 sa zona bianca sa pagpasok sa mga sumusunod:

  • Sports event,
  • Fair o trade show,
  • Museums,
  • Amusement parks,
  • Theme parks,
  • Bingo houses,
  • Casino,
  • Theaters, 
  • Cinemas, 
  • Concert,
  • Sa loob ng mga bars and restaurants,
  • Indoor swimmings pools,
  • Gyms,
  • Group sports,
  • Spa
  • At iba pang aktibidad na ginagawa sa indoor

Nananatiling sarado (indoor at ourdoor) ang mga disco houses. 

Mandatory ba ang Green Pass sa public transportation? 

Hindi. Sa kasalukuyan, ang Green Pass ay hindi kakailanganin sa pagsakay sa tren at local public transportation tulad ng bus, tram at metro. 

Ang Green Pass ba ay mandatory din sa mga bata? 

Hindi mandatory ang Green Pass sa mga mas bata sa 12 anyos. Ang mga under 12 ay maaaring pumasok ng walang pass, dahil sa kanilang edad ay hindi pa available ang bakuna kontra Covid19. 

Saang public place hindi kakailanganin ang Green Pass? 

Hindi kailangan ng Green Pass sa pagpasok sa mga shops, pharmacies, supermarkets. Hindi rin kakailanganin ang Green Pass sa mga bar at restaurants outdoor, sa kundisyong masusunod ang social distancing. Hindi rin ito kakailangabin sa outdoor swimming pool. 

Isa o dalawang dosis ba ng bakuna ang kailangan upang magkaroon ng Green Pass?

Ang Green Pass na kailangan sa pagpasok sa mga restaurants, theaters, cinema at iba pang aktibidad sa indoor ay matatanggap ng sinumang nabakunahan kahit unang dosis lamang.   

Ang Green Pass ay matatanggap ba dahil sa pagpapa-bakuna lamang? 

Ang Green Pass ay ibinibigay sa mga taong nabakunahan na (kahit isang dosis lamang) at ibinibigay din ito sa mga sumailalim at mayroong negative result ng molecular o rapid Covid19 test at pati sa mga gumaling sa sakit na Covid19. Ang Green pass ng mga nabakunahan ay balido ng 9 na buwan. Balido naman ng 6 na buwan ang Green Pass ng mga gumaling sa sakit na Covid19 at 48 hrs naman ang validity ng Green Pass ng mga sumailalim sa Covid19 test. 

Magkakaroon ba ng control sa mga Green Pass? Mayroon bang multa sa mga hindi susunod dito?

Ang mga may-ari ng mga establisyimento ay ang tutupad sa obligasyong magsuri sa pagkakaroon ng angkop na Green Pass. Sa kaso ng paglabag, ay maaaring mamultahan mula € 400 hanggang € 1,000 ang may-ari at ang kliyente. Kung ang paglabag ay mauulit ng 3 beses sa 3 magkakaibang araw, ang establisyimento ay maaaring ipasara mula 1 hanggang 10 araw.

Bukod sa mga under 12, sino pa ang mga exempted sa pagkakaroon ng Green Pass?

Ayon sa inaprubahang decreto legge ay exempted sa pagkakaroon ng Green Pass sa pagpasok sa ilang establisyimento ang mga mamamayan na mayroong angkop na medical certificate batay sa mga requirements na itinatalaga ng Ministry of Health

Kailangan pa bang sumailalim sa quarantine ang mayroong Green Pass? 

Ang 14 day-quarantine, sa kaso ng direct contact sa taong affected ng Covid19 ay maaaring mabawasan sa sinumang mayroong Green Pass, ngunit sa ngayon ito ay hindi pa rin kumpirmado. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 11 Average: 4.1]

Team Philippines sa Opening Ceremony ng Olympic Games 2020

State of Emergency ng Italya, extended. Narito ang nilalaman ng bagong Decreto