in

Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto

Inaprubahan ng gobyerno ang isang bagong dekreto na nagpapalawak sa gamit ng Green pass. Ang dekreto ay binubuo ng 10 artikulo at simulang ipatutupad makalipas ang paglalathala nito sa Official Gazette. Matapos ang mga restaurants, swimming pools, gym, cinema, stadium at theaters ang Green pass ay mandatory na din sa mga paaralan, unibersidad at long distance transport. 

Narito ang nilalaman ng bagong decreto ukol sa Green pass

Paaralan at Unibersidad 

Sa decreto ay nasasaad ang pagbibigay priyoridad sa nalalapit na school year 2021-2022 sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga mag-aaral sa regular na face to face schooling o ‘in presenza’ at masigurado ang halaga ng edukasyon at maprotektahan ang sosyal, mental at pisikal na kundisyon ng mga mag-aaral. Nasasaad sa dekreto ang obligasyon ng pagsusuot ng mask sa mga paaralan (maliban sa mga mas bata sa 6 na taong gulang). Ang mga Rehiyon at Comune ay maaaring isuspinde ang eskwela at magpatuloy sa DAD o Didattica a Distanza sa ilang piling kaso lamang tulad ng pagkakaroon ng focolaio o partikular na mataas ang panganib o ang pagsasailalim sa zona arancione o rossa. 

Samantala, ang lahat ng mga empleyado ng mga paaralan at unibersidad “upang masiguro ang kalusugan ng publiko at ligtas sa pagsasagawa ng mahahalagang serbisyo, ay mandatory ang pagkakaroon ng Green Pass. Ang hindi pagsunod sa mga probisyon ay ituturing na ‘assenza ingiustificata’ o hindi makatwirang pagliban sa trabaho at makalipas ang 5 araw ng pagliban, ay isususpinde nang walang bayad”.

Kaugnay nito, sa Konseho ng mga Ministro ay kinumpirma ang pagiging mandatory ng Green pass para sa lahat ng mga university students.  

Transportation

Hindi pahihintulutan ang pagsakay sa interregional na barko o nave at mga ferry boats o traghetto sa kawalan ng Green pass, maliban sa Stretto di Messina. Hindi rin pahihintulutan ang pagsakay sa mga tren ng Intercity, Intercity Notte at Alta Velocità at ang mga bus na nagkokonekta sa higit sa dalawang Rehiyon. Samantala, mandatory ang Greenpass sa mga pina-aarkilang autobus (NCC). Ang Green pass ay hindi mandatory sa mga autobus, metropolitana, tram at mga treni regionali. 

Hotels

Ang mga guests ng mga hotels na nais mag dine-in sa bar at restaurants ng hotel ay hindi kakailanganin ang Green pass. 

Halaga ng Covid19 rapid test, ibinaba

Samantala, ayon sa naging kasunduan ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo at Health Minister Roberto Speranza at mga presidente ng Federframa, Assofarm at FarmacieUnite, ang rapid test sa mga pharmacies ay nagkakahalaga ng € 8,00 para sa mga kabataan mula 12 hanggang 18 yrs old at € 15 naman para sa mga matatanda. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 3.3]

Ako Ay Pilipino

May planong bakasyon sa kabila ng banta ng Delta variant? Narito ang ilang tips.

Overseas Absentee Voting, ating alamin!