Parami ng parami ang nakakatanggap sa Italya ng abiso o notification sa telepono, App Immuni at App Io, at via email, ng mga codici o code para sa pagkakaroon ng Green Certificate o ang tinatawag na Green Pass.
Simula July 1, ang certificate ay magpapahintulot sa malaya at ligtas na pagbibyahe sa Europa. Sa Italya ito ay magagamit din sa pagpunta sa iba’t ibang okasyon, reception at konsyerto. Ito ay kakailanganin din sa pagbisita sa mga hospital residences tulad ng RSA.
Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, hanggang June 28 ay matatanggap ng lahat na maaaring magkaroon ng Green Pass ang notipikasyon o codici o code para sa pagkakaroon ng tanyag na Qr code:
Paano magkaroon ng Green Pass?
Narito ang mga hakbang upang magkaroon ng Green Pass:
- Tulad ng nabanggit, ay makakatanggap ng abiso sa pamamagitan ng sms, email o notification sa pamamagitan ng App, na nagtataglay ng Authcode.
- Kapag natanggap na ang code, ay maaaring magpunta sa platform ng dgc.gov.it
- Sa pamamagitan ng SPID o CIE, o sa pamamagitan ng Tessera Sanitaria, ay magkakaroon ng access sa nabanggit na platform;
- Ilagay ang Authcode para ma-visualize ang Green certificate at mai-print.
- Sa App Io, ay hindi na kakailanganin ang Authcode. Ang Qr code ay maaaring i-download o i-save bilang Image sa cellular phone.
Green Pass sa Pharmacy at Medico di base
Posible rin ang magkaroon ng Green Pass sa pamamagitan ng Pharmacy at sa sariling Medico di base. Gamit ang Tessera Sanitaria, ang pharmacist o doctor, sa pamamagitan ng Fascicolo Sanitario Elettronico ng bawat pasyente, ay mayroong access at maaaring mai-print ang green certificate.
Italian at European green pass, ano ang pagkakaiba?
Ang DPCM na pinirmahan ni Premier Mario Draghi kamakailan, ay ang pagsunod sa alituntunin at pagsasabatas ng Green Pass. Ito ay pagpapatas din ng italian green pass sa european certificate.
Samakatwid, ang sinumang mayroong digital Italian green pass, ay hawak na din ang EU digital certificate na magagamit sa pagpunta sa ibang bansa sa Europa.