in

Green Pass: Pagkokontrol ng dokumento, trabaho ng awtoridad

Nilinaw ni Interior Minister Luciana Lamorgese ang paraan ng pagko-kontrol ng Green Pass. 

Ayon kay Minister Lamorghese ang mga may-ari o staff ng mga locale ay kailangang siguraduhin ang pagkakaroon ng Green pass ngunit hindi nila maaaring hingin ang personal document ng mga kliyente dahil ang pagko-kontrol ng mga dokumento ay trabaho ng awtoridad. 

Paliwanag ng Ministra na ang pagsusuri ng mga dokumento ay nakalaan sa mga alagad ng batas at nangangahulugan nang pagtatanggal ng kanilang tungkuling siguraduhin ang kaligatasan kung ito ay gagawin ng mga may-ari ng locale. 

Bukod dito, kinumpirma ng Ministra na magkakaroon din ng random control sa mga locale kasama ang mga administrative police para sa pagsusuri ng mga dokumento.  

Ang pagpunta sa restaurant sa pagkakaroon ng Green pass ay tulad ng pagpunta sa sinehan ngunit bago makapsok ay kailangang ipakita ang tiket”. Ito ang paghahambing na ginawa ng Ministra. “Para sa pagkokontrol ng mga dokumento, gagawa kami ng isang Circular na magpapaliwanag kung sino ang dapat gumawa ng mga kontrol”, dagdag pa niya.

Samantala, hiling naman ni Roberto Calugi, ng Federazione Italiana Pubblici Esercizi (FIPE) ng Confcommercio, na kailangang linawin din ang ukol sa pagbibigay ng parusa o multa ukol sa green pass. Paliwag ni Calugi, sakaling gamitin ng isang tao ang Green pass na hindi na kanya upang makapsok sa sinehan at ito ay mahuli ng awtoridad, dapat na malinaw na ang staff ng sinehan ay hindi responsabile sa naging panloloko ng kliyente. Dahil dito, kailangan aniya ng isang malinaw na Implementing rules and regulations para sa maayos na pagpapatupad ng Green pass. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Overseas Absentee Voting, ating alamin!

Green Pass, kailan pinawawalang bisa?