in

Green pass, tatanggalin na sa pagpasok o pagbalik sa Italya simula June 1

Ako Ay Pilipino

Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo, partikular sa June 1, ay tuluyan nang tatanggalin ang Green pass. 

Sa katunayan, ang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza na pinalawig mula April 28 hanggang May 31, 2022 na nag-oobliga sa pagkakaroon ng Green pass sa sinumang papasok sa Italya mula sa Europa at mula sa mga Third countries, ay tatanggalin na.

Samakatwid, ang mga Pilipino na papasok o babalik sa Italya matapos ang pagbabakasyon sa labas ng bansa ay hindi na hihingan ng Green pass o ng anumang patunay ng pagiging fully vaccinated o kahit ang pagkakaroon ng negative Covid test. 

Ang Green pass ay nananatili na lamang mandatory sa Italya para sa sinumang bibisita sa mga ospital, RSA at para sa mga health workers hanggang December 31, 2022

Samantala June 15 naman ang huling araw ng mandatory vaccination para sa mga over50s, mga teachers at non-teaching staff ng mga paaralan at mga unibersidad, ang mg armed forces at mga law enforcement agencies, mga bilangguan, public rescue at angNational Cybersecurity Agency.

Kaugnay nito, sa June 16, 2022 ay hindi na din mandatory ang pagsusuot ng FFP2 protective mask sa mga airplanes, ships, ferries, trains, buses. Ito ay tatanggalin na din sa pagpasok sa mga cinemas, theaters at mga indoor sports facilities tuwing may event at mga kumpetisyon. 

Samantala, ang pagsusuot ng protective mask ay nananatiling mandatory sa mga workers at bisita ng mga heath facilities at ipinapayo na lamang ang pagsusuot sa lahat ng indoor public places o bukas sa publiko. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Uuwi ng Pilipinas? Narito ang bagong resolusyon ng IATF-MEID

Temperatura, aakyat hanggang 40°