Sa pamamagitan ng Circular 66 noong May 17, ay inilabas ng Inps ang bagong table ng Assegni Familiari 2019-2020 para sa kalkulasyon ng benepisyo mula July 1, 2019 hanggang June 30, 2020.
Narito ang bagong table.
Ang halaga ng benepisyo ay nag-iiba batay sa kabuuang income ng pamilya na taunang kinakalkula ng Istat, batay sa consumer index.
Ipinapaalalang mula April 1 ngayong taon, ang aplikasyon ng assegni familiari ANF ay online na para sa mga workers sa pribadong sektor o ang mga tumatanggap ng ‘busta paga’. Hindi na ito isusumite ang aplikasyong papel sa employer tulad sa nakaraan.
Basahin din:
Pag-aaplay ng Assegni Familiari, ang Gabay sa domestic job mula sa Inps