Sa Circular n. 68 ay inilathala ng Inps ang updated amount ng assegni familiari 2018/2019.
Ang bagong halaga ng assegni familiari ay batay sa halaga ng sahod na inaasahan sa susunod na taon na nasasaad sa Legge 153/1988. Sa katunayan ang halaga ng benepisyo ay nag-iiba batay sa kabuuang income ng pamilya na taunang kinakalkula ng Istat, batay sa consumer index.
Ito ay downloadable at nahahati sa iba’t ibang kategorya (hal pamilya na mayroon at walang anak) at makikita ang halaga ng benepisyo batay sa halaga ng income. Hal: kung ang income ay hanging € 14,541.59 euros ay matatanggap ang assegni familiari mula € 137.50 para sa pamilya na may 3 miyembro hanggang € 1368.75 para naman sa pamilya na mayroong 12 miyembro.
Narito ang bagong talaan ng matatanggap na halaga ng assegni familiari mula July 1, 2018 hanggang June 30, 2019.