Ang halaga ng Assegno per il Nucleo Familiare o ANF ay ina-update ng Inps taun-taon. Narito ang Circular para sa talong 2020-2021.
Inilathala ng Inps ang bagong table ng assegno per il nucleo familiare 2020, kasama nito ang mga bagong pamantayan ng halaga ng sahod na kinakailangan sa pagtatakda ng halaga assegno.
Ang family allowance, mas kilala bilang assegno per il nucleo familiari o ANF ay isang benepisyo na ibinibigay sa mga pamilya batay sa bilang ng miyembo ng pamilya at halaga ng kabuuang sahod ng mga miyembro pamliya na kailangang mas mababa kaysa sa itinatalaga taun-taon ng batas.
Sa circular ng INPS noong May 21, 2020 bilang 60 ay itinakda ng Inps ang mga pamantayan sa kabuuang sahod at halaga ng assegni familiari na balido mula July 1, 2020 hanggang June 30, 2021.
Narito ang bagong table.
Tinutukoy sa kabuuang kita ng buong pamilya o reddito familiare ay ang sumatutal ng pinagsama-samang kita ng aplikante at ng mga miyembro ng pamilya. Sa pag-aaplay ay kailangang isaalang-alang ang kinita ng naunang taon sa panahon ng pag-aaplay: halimbawa para sa panahon ng July 1, 2020 hanggang June 30, 2021 ay kailangang isaalang-alang ang kabuuang sahod ng taong 2019. (PGA)