Inilathala kahapon sa Official Gazette ang dekreto ng Ministry of Labor and Social Policies na nagtatalaga ng halaga ng kontribusyon o ang tinatawag na ‘contributo forfettario’ na dapat bayaran ng mga employers na simula June 1 hanggang August 15 ay nagsumite ng aplikasyon para gawing regular ang hiring at employment ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Regularization process (art. 103, ng D.L. 30/2020).
Ang halaga na dapat bayaran ng employer kada buwan matapos ang aplikasyon ay nag-iiba batay sa sektor:
- € 300,00 para sa agrikultura;
- € 156, 00 para sa assistance to person sector;
- € 156,00 para sa domestic sector.
Ang pagbabayad ay gagawin sa pamamagitan ng F24, gamit ang codice o code na ibibigay ng Agenzia dell’Entrate. Ang contributo ay mapupunta sa:
- 1/3 sa State budget, bilang buwis;
- 1/3 sa Inps, bilang kontribusyon;
- 1/3 sa Inps, bilang remuneration sa worker. (PGA)
Basahin din:
- Regularization 2020, ang final report ng Ministry of Interior
- Naisumite na ang aplikasyon ng Regularization. Ano ang susunod na dopat gawin?