in

Halimbawa ng US, maaaring mag-promote sa citizenship sa bansa

“Ang Ministro ng USA na si Janet Napolitano, ay magsasalita sa Kamara ukol sa tema ng imigrasyon”.

altRoma, Marso 7, 2012 – Si Janet Napolitano, ang Kalihim sa US at responsable para sa seguridad ng bansa, ay magpupunta sa Italya upang magsalita, sa Assembly ng mga Deputies, ukol sa tema ng imigrasyon. Ito ay inihayag, sa Corriere della Sera, ng Pangulo ng Kamara na si Gianfranco Fini, sa kanyang pagbabalik mula sa Washington.

“Napagtanto namin ang halos parehong kritiko at pananaw”,paliwanag ni Fini sa isang panayam sa Ministro ng USA. “Hiniling ko ang kanyang pagpunta sa Kamara upang mag-salita tungkol dito at kung paano ang Amerika ay nalutas ang problema ng pagkamamamayan. Malugod naman niyang tinanggap ang paanyaya.”

“Inaasahan ko na makakatulong upang isulong ang tema ng pagkamamamayan. Hindi upang ibigay sa lahat ang base ng ius soli tulad ng nagaganp sa US, isang solusyong hindi angkop para sa ating bansa, ngunit upang ibigay ito sa sinumang matagal nang naninirahan sa Italya at marahil ay nakatapos ng isang scholastic cycle (studies, training, education) at nararapat na tanggapin sa ating lipunan ng hindi mag-iiwan ng mga frustrations sa pagkilala ng kanilang identity”, pagtatapos pa ni Fini.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy malubha, matapos makalanghap ng monoxide

Marso 8, Pagdiriwang ng Tapang at Determinasyon ng mga Kababaihan