Inaasahang 220,000 katao ang benepisyaryo ng Regularization.
Ito ang inaasahang bilang na napapaloob sa technical report ng decreto Rilancio kung saan 176,000 ang mga aplikasyong mula sa mga employers para gawing regular ang employment ng mga manggagawa nito (o ang emersione di lavoro nero) at 44,000 naman ang magmumula sa mga expired na permit to stay. Gayunpaman, ang bilang ay nananatiling pagtatanya lamang hanggang sa kasalukuyan dahil ang mga manggagawa ay hindi regular.
Sa bilang na nabanggit, ay papasok sa estado ang halagang 94 million euros mula sa kontribusyong nasasaad sa dekreto: € 500 mula sa mga employer sa bawat manggagawang gagawing regular at € 130 naman mula sa bawat dayuhang expired ang permit to stay. Bukod dito, ang babayaran ng mga employesr para sa sahod at social security contributions, na malalaman pa sa mga susunod na araw.
Ang bilang na 220,000 aplikasyon, ayon pa sa technical report, ay mula umano sa average number ng mga aplikasyong natanggap sa nagdaang Regularization o Sanatoria: noong 2009 (295,130 aplikasyon) at noong 2012 (134,772).