in

Halos 190,000 katao, nakontrol ng awtoridad kahapon, April 5

Narito ang kasalukuyang sitwasyon sa Lombardia (Mga provincie at mga Comune)

Patuloy ang kontrol ng awtoridad sa buong bansa sa pagpapatupad ng mga paghihigpit upang labanan ang pagkalat ng covid 19.

Ayon sa ulat ng Ministry of Interior, umabot sa bilang na 186,741 katao na nakontrol ng pulisya sa araw lamang ng Linggo (April 5), 11,022 ang mga paparusahan dahil sa paglabag, 47 naman ang napatunayang gumawa ng false declaration sa autocertificazione at 25 naman ang lumabag sa home quarantine. 

Samantala, 66.538 naman ang commercial activities na sumailalim sa kontrol ng awtoridad: 115 ang mga owners ang papatawan ng angkop na parusa, 24 ang tuluyang ipinasasara. 

Kaugnay nito, umabot na sa 5 milyong katao (5,046,428) ang nakontrol ng awtoridad simula April 5, habang umabot naman sa 2,193.957 ang mga commercial activities. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kurba, nagsisimulang bumaba sa Italya

Free Mask Distribution sa Tuscany Region