in

Halos 900,000, nasa domestic sector sa Italya

Tinatayang papalo sa isang milyon at kalahati ang bilang ng mga colf, caregivers at babysitters sa bansa kasama ang mga irregulars at half-regulars. Ayon sa Inps, halos 900,000 naman ang bilang ng regulars.

 

 

Mayroong 67 milyong mga domestic worker sa buong mundo, kung saan 83% ay mga kababaihan, at 11.5 milyon ay mga migrante. 

Sa panahon ngayon, ang mga domestic workers ay mahalagang bahagi ng maraming pamilya sa Italya. Ayon sa Inps, mayroong 886, 000 hired sa domestic sector: 87.5% nito ay mga kababaihan habang 76% naman ang mga dayuhan, halos 692,000. Mula 2015, ang mga dayuhan mula sa Silangang Europa ang pangunahing bansa na pinagmumulan ng halos kalahati ng populasyon ng mga dayuhan. Padami na rin ng padami ang mga Italians na nasa sektor, 213,000 at partikular ang pagtaas sa taong 2015, +13%. Ang nasyunalidad ng ibang mga worker ay pawang Filipino at South Americas. 

Samantala, marami ang workers na irregular o half-regular. Samakatwid, tinatayang papalo sa isang milyon at kalahati ang bilang ng mga colf, caregivers at babysitters. Bukod dito, maraming mga colf ang tatanggap lamang ng 200-300 euros pagsapi ng pensionable age. 

Ngunit kabilang sila sa nagpapatakbo ng ekonomiya ng Italya, dahil umaabot sa 15 billion ang pinapatakbong halaga ng mga pamilya sa domestic job. Samakatwid, ay kailangang suriin ang batas upang maging magaan para sa mga pamilya ang mag-empleyo at magbigay ng mga karapatan sa mga manggagawang nabanggit, tulad ng pensyon, pagkakasakit hanggang maternity. 

Samakatwid, kailangang magbigay ng higit upang ang kontribusyon ng mga colf ay tumaas at upang masiguro ang kanilang welfare: social security, sickness at maternity. Ngunit ito ay hindi dapat makabigat sa mga pamilya na minsan ay nanghihina na at halos hindi makaya ang bigat ng kontribusyon. Kailangan ay may incentive ang mga pamilya sa pagre-regularize sa colf at na made-deduct naman sa babayarang buwis. 

Kadalasan ay napipilitang bawasan ang budget sa cure (cura), health at nutrisyon upang matugunan ng mga pamilya ang pangangailangan sa service sector. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

IUS SOLI: 800,000, bilang ng mga new Italians

‘Kumustahang walang puknat’ – Mabinians