Simula Lunes, May 17, ay muling magkakaroon ng pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon sa Italya at halos lahat ng Rehiyon ay nasa ilalim ng zona gialla.
Sa katunayan, tanging isang rehiyon lamang ang mananatili sa zona arancione, ang Valle d’Aosta. At ang mga rehiyon ng Sardegna at Sicilia, makalipas ang weekend, ay magiging zona gialla na din.
Samakatwid, 18 rehiyon at kasama ang dalawang Autonomuos Province ang nasa ilalim ng Zona gialla: Puglia, Basilicata, Calabria, Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia, Marche, Molise, PA di Bolzano, PA di Trento, Piemonte, Toscana, Umbria, Veneto, Sardegna at Sicilia.
Tanging ang Valle d’Aosta ang naiiwan sa zona arancione. At wala ng anumang rehiyon sa ilalim ng zona rossa.
Isang bagong ordinansa ang pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza batay sa mga datos ng weekly monitoring ng Istituto Superiore di Sanità o ISS, na sa susunod na linggo ay marahil magbago na ang mga pamantayan. Kinukumpirma sa report, na bagaman mabagal, ay patuloy ang pagbaba ng epidemic curve sa bansa.
Samantala, ang malaking bahagi ng bansa, matapos ang mga pagbabago ng kulay ng mga Rehiyon ay magpapatuloy sa unti-unting pagluluwag at unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon anti-Covid19. (PGA)
Basahin din:
- Gialla at arancione: ang dalawang kulay ng Italya simula May 10
- Karagdagang pagluluwag sa mga restriksyon, narito ang mga petsa
- May pahintulot na bang magpunta ng ibang Rehiyon? Kailan kailangan ang green pass?