in

Hand luggages, ipinagbabawal na sa Italya!

hand luggages

Ang mga airline companies ay pinagbabawalan ang pagamit ng overhead luggage compartment para sa mga hand luggages. Ito ay para sa lahat ng mga biyahe mula (from), papuntang Italy (to) at sa loob ng bansa (within Italy). Samakatwid, sa lahat ng national at maging international flights.

Sa katunayan, ay pinahihintulutan lamang ang mga hand bags na ang sukat ay mailalagay sa ilalim ng upuan sa harap ng itinalagang upuan, ayon sa mga limitasyong itinakda ng bawat kumpanya.

Gayunpaman, ang nabanggit na pagbabawal ay para sa mga airlines na walang social distance, ayon sa isang press release ng ENAC na naglilinaw sa pagbabawal.

 Kaugnay nito, ipinapayong konsultahin ang mga travel agency o ang airlines mismo para sa angkop na sukat ng pinahihintulutang laki ng bagahe. 

Ang bagong panuntunan ay buhat sa Ministry of Health na ipinadala sa ENAC Ente nazionale per l’aviazione civileItalian Civil Aviation Authority para sa pagpapatupad nito. 

For health reasons. Ito ay kabilang sa pagsunod sa assembly ban na magpapahintulot sa maayos na pagpasok at paglabas ng mga pasahero at maiiwasan ang pagtatabi o pagkakadikit ng mga pasahero sa pagkuha ng mga hand luggages”, ayon sa ENAC.

Hanggang sa kasalukuyan, ang Italya lamang ang nagpapatupad ng bagong panuntunan upang maiwawan ang posibleng pagkalat ng covid19 matapos ang lockdown sa maraming bansa. 

Bukod sa nabanggit, bahagi din ng bagong panuntunan ang pagamit ng thermoscan para sa body temperature ng bawat pasahero bago pumasok ng eroplano, kahit pa na-measure na ito sa pagpasok sa airport. Ang body temperature na higit sa 37.5° ay pagbabawalang pasakayin sa eroplano. 

Hindi mawawala sa bagong panuntunan ang tanyag na autocertificazione o ang self-declaration bago ang pagsakay sa eroplano kung saan idedeklara ng pasahero na hindi nagkaroon ng anumang contact sa infected ng covid 19 sa huling dalawang araw, bago ang paglabas ng mga sintomas at hanggang 14 na araw matapos ang paglabas ng mga sintomas at ang ipaaalam sa airline company, sakaling magkaroon ng anumang sintomas, sa loob ng 8 araw pagkalipas ng landing. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ferie

Ferie nagamit na dahil sa Covid-19, ano ang dapat gawin ng colf?

Pinay, binawian ng buhay sa aksidente sa Milan