Ang regulasyon ukol sa Green pass ay nasasaad sa Decreto legge ng July 23. Bukod dito, sa decreto ng August 6 ay pinalawig simula Sept. 1 ang gamit nito sa mga eroplano, tren, bus, barko at ferry boat. Sakop din ng bagong regulasyon ang mga staff ng paaralan at mga unibersidad.
Basahin din:
- Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.
- Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto
- Green Pass, ang bagong regulasyon sa transportasyon simula Sept. 1
- Green Pass, ang bagong regulasyon sa mga paaralan at unibersidad simula Sept. 1
Samantala, inaasahan muli ang paglabas ng isa pang bagong decreto kung saan higit na papalawigin ang gamit ng Green pass sa buwan ng Oktubre sa mga public offices, mga staff ng public administration at ilang sektor.
Ang Green pass ay inaasahang mandatory hanggang sa pagtatapos ng State of Emergency sa bansa dahil sa Covid na pinalawig hanggang December 31, 2021.
Ito ang nasasaad sa mga probisyon ng gobyerno ni Draghi.
Gayunpaman, sa mga susunod na buwan ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga kasalukuyang ipinatutupad na regulasyon batay sa mga pagbabago o magiging banta ng pandemya.
Hangarin ng executive sa pagpapatupad ng Green pass ang maiwasan ang pagkalat ng Covid19, ang muling pagsasara ng mga commercial activities at pinahihintulutan lamang nito ang sirkulasyon ng mga taong may immunity o negatibo sa Covid19. Ngunit mahirap magtalaga ng panahon kung hanggang kailan mandatory ang Green pass sa Italya dahil ito ay dipende sa magiging ebolusyon ng sitwasyon.