‘The heat is on’, ika nga! Nagsimula na ang unang heat wave ng taon sa bansa. Nagsimula sa South at sa malaking bahagi ng Central Italy at inaasahang magtatagal hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo.
Sa ilang bahagi ng South, kilala sa tawag na Mezzogiorno ay posibleng lumampas ang temperatura ng 42° ng 48 oras. Ayon sa mga pinakahuling weather forecast, sa susunod na dalawang araw, ay magtatala ng higit 42° ang mga rehiyon ng Puglia, Basilicata, Calabria at Sicilia. Samantala magtatala naman ng higit sa 38° sa loob ng mga rehiyon ng Campania at Molise.
Kahit sa ilang bahagi ng kapatagan sa North ay makakaramdam din ng matinding init at sikat ng araw, habang thunderstorm naman ang posibleng bumuhos bandang hapon sa matataas na bahagi sa Norte.
Kaugnay nito, mula Biyernes June 25 at marahil sa buong weekend ang African anticyclone ay bababa sa South na magiging sanhi ng malakas na alon.
Aasahan naman sa North at sa ilang bahagi ng Central Italy ang pagbuhos ng thunderstorm habang magpapatuloy naman ang mataas na temperature sa ibang bahagi ng bansa.
Basahin din:
- Heatwave sa panahon ng Covid19, narito ang ilang practical tips
- Ano ang HEAT STROKE at paano ito maiiwasan?