Mula sa 15 ngayong araw (Aug 13), bukas (Aug 14) ay umakyat pa sa 17 lungsod sa Italya ang nasa alert level 3 o red alert dahil sa heatwave na patuloy na nararamdaman sa bansa. Ang matinding init ay isang kundisyon na ng emerhenysa at posibeng magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng buong populasyon at hindi lamang sa mga matatanda, maysakit at mga bata.
Narito ang 15 lungsod: Bari, Bologna, Bolzano, Brescia, Cagliari, Campobasso, Firenze, Frosinone, Latina, Palermo, Perugia, Rieti, Roma, Trieste at Viterbo. Bukas ay madadagdag ang Ancona at Napoli.
Ipinapayo ng mga eksperto na iwasang magpa-araw sa oras na matindi ang sikat ng araw at manatili na lamang sa lugar na presko partikular ang mga matatanda at maysakit at huwag kalimutang panatilihing hydrated ang katawan. (PGA)
Basahin din:
- Heat wave, papalo higit sa 40° ngayong linggo
- Ano ang tamang dami ng iniinom na tubig sa araw-araw?
- Prutas na Pakwan, narito ang mga benepisyo
- Heatwave sa panahon ng Covid19, narito ang ilang practical tips
- Ano ang HEAT STROKE at paano ito maiiwasan?