in

Heat Wave sa Italya, red alert level 3 ngayong June 27 at June 28

Patuloy ang heat wave na nararamdaman sa buong Europa at Italya. Dahil dito inanunsyo ng Minstry of Health ang red allert ngayon araw, Huwebes June 27 at bukas Biyernes June 28 sa ilang bahagi ng bansa.

Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, sa ilang lungsod ay lalampas sa 40° C hanggang 43°C ang temreparura at ang matinding init na ito ay isang panganib sa mga matagal na nakalantad sa araw partikular sa oras na kataasan at matindi ang sikat ng araw.

Partikular para sa mga matatanda at mga bata”, ayon sa Minsitry of Health. “Iwasan ang direktang sikat ng araw mula alas 11 ng umaga haggang alas 6 ng hapon, pati na rin sa mga sumasailalim sa mga physical acitivities sa mga oras na nabanggit, marahil ay dahil sa sport o kaya ay dahil sa trabaho”.

Ipinapaalala rin ang pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng magaan at malamig  sa katawan tulad ng prutas at gulay.

Partikular, ngayong araw ng Huwebes June 27, sa anim ang mga lungsod ay itinaas ang red alert dahil sa african heat.

Ito ay ang Bolzano, Brescia, Firenze, Perugia, Rieti, Roma at Torino. Ipinapaalala sa mga residente ang matinding pag-iingat.

Samantala, bukas June 28 ay inaasahan ang mas matinding init at mula sa 7 (pito) ay itinaas sa 16 (labinganim) ang mga lungsod. Idinagdag sa mga nabanggit na ang Bari, Bologna, Frosinone, Latina, Milano, Napoli , Venezia, Verona at Viterbo.  

 

PGA

photo:

Ministero della Salute

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Dehydration

Emergenza caldo: Toll free number itinalaga ng Red Cross