Patuloy ang matinding init sa Italya partikular sa sampung lungsod tulad ng Bologna, Bolzano, Brescia, Florence, Genoa, Milan, Perugia, Trieste, Venice at Verona kung saan kasalukuyang nararamdaman ang pinakamataas na antas ng heatwave sa bansa, ayon sa Ministry of Health.
Ang sampung nabanggit ay minarkahan ng Ministry of Health ng ‘bollino rosso’ ngayong araw, August 7 at bukas August 8 at bukod sa sampung nabanggit ay kasama na rin ang Roma na sa dalawang araw, August 6 at 7 ay minarkahan ng ‘bollino arancione’ na tumutukoy sa kondisyon ng panahon na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan sa mga mas mahihina ang resistensya.
Samantala, ang forecast para sa susunod na ilang araw ng mga meteorologist, ay ang patuloy na matinding init o ‘afa’ partikular sa Centre-South, kung saan mararamdaan ito kahit sa hatinggabi.
Ang kalagayan ng panahon ay inilarawan ng Civil Protection sa apat na antas:
Verde – walang panganib (criticità assente),
Giallo – pangkaraniwan na kundisyon ng panganib (ordinaria criticità),
Arancione – may limitasyon ang panganib (moderata criticità) at
Rosso – mataas ang panganib (elevata criticità).
Ang kasalukuyang record ng init sa Europa ay 48C (118.4F) na naitala sa Athens noong 1977 ay sinasabing malalampasan ngayon taon ng mga bansang Spain at Portugal.
Source:
Ansa