Prevention campaign sa 15 lungsod sa Italya hanggang June 15. Sa Italya ay mayroong 300,000 imigrante ang biktima ng sakit. Sapat na ang isang tawag sa telepono o isang click para sa isang blood analysis.
Roma – Mayo 22, 2012 – Ang hepatitis B ay isa sa mga pinaka-karaniwang sakit sa buong mundo. Ito ay sakit sa atay, at kung ito ay magiging malala ay maaaring maging sanhi ng malubhang pinsala. Sa Italya, sa kasalukuyan ay maraming mga imigrante ang biktima ng karamdamang ito.
Upang matuklasan at malabanan ito, hanggang June 15 ay maaari magpa blood analysis ng libre sa mga laboratories na lumahok sa campaign “Hepatitis B: Use your head, have your test” sa Milan, Brescia, Bergamo, Padua, Turin, Reggio Emilia, Pisa, Florence, Rome, Naples, Bari, Foggia, Cagliari, Messina at Palermo. Magpa-schedule lamang sa pamamagitan ng pagtawag sa toll free number 800 027 325 o sa pamamagitan ng pagbisita sa website www.epatiteb2012.it, kung saan matatagpuan ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa sakit at ang address ng laboratories.
Ang inisyatiba ay pinangungunahan ng apat na scientific entities: AISF Italian Association of Liver Studies, SIGE Italian Society of Gastroenterology, SIMIT Italian Society of Infective and Tropical Diseases, SIMG Italian Society of General Medicine, sa pakikipagtulungan ng FederANISAP Federazione Nazionale delle Istituzioni Sanitarie Ambulatoriali Private at tulong ng Bristol-Myers Squibb.
Dalawa ang layunin ng campaign: ang palalimin ang kaalaman sa sakit at panganib ng impeksyon, at isulong ang pagpapatupad ng mga test sa mga maaaring maging biktima nito, at imulat ang mga imigrante na nagmula sa mga bansang hanggang sa kasalukuyan ay hindi obligado ang magpa bakuna.
Higit sa 700,000 katao sa Italya ay biktima ng chronic hepatitis B: halos kalahati ng mga ito, ay hindi alam na sila ay mayroong impeksyon. “Tinatayang ang mga virus carrier na mga imigrante ay umaabot sa 300,000: mga hindi nagpapagamot, galing sa mga bansang mayroong high endemic level tulad ng Eastern Europe, Africa at China, carrier ng kilalang wild type virus na mayroong genotypes na iba sa karaniwang mayroon sa Italya, ang genotype D, na para sa kung anong dahilan ay hindi madaling makit sa laboratory tests”, ayon kay Orlando Armignacco, ang presidente ng Italian Society of Infective and Tropical Disease.
Ang hepatitis B virus (HBV) ay 100 beses na mas nakakahawa kaysa sa HIV at nabubuhay rin maging sa labas ng katawan, at nananatiling nakakahawa sa loob ng 7 araw. Karamihan sa mga apektado nito ay nahahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng walang proteksyon o paggamit ng karayom na contaminated, ang paggamit ng toothbrush o pang-ahit ng mayroong virus o ng mga gamit na unsterilised sa piercing at tattoo.
“Walang sintomas”
Ang palatandaan ng impeksiyon ay lumalabas na lamang kapag malubha na ang pinsala sa atay. “Kapag lumabas ang diagnosis ng HBV ang impeksiyon ay malala na, samakatwid ang sakit ay mayroon ng mga pinsala: ang karamihan ng mayroong chronic hepatitis B ay walang sintomas, at sila ay nakakahawa ng sakit” bigay diin ni Gainfranco Dedde Fave, Propesor ng Gastroenterology sa University La Sapienza ng Roma.
80% ng mga kaso ng impeksyon ay gumagaling spontaneously, ngunit 20% ng mga kaso ay nagiging talamak na uri na lubhang mapanganib at nanganganib ng 15-20% ng kamatayan sa sirosis at kanser sa atay. Ang bakuna, test at kaalaman sa mga panganib ay nagbibigay-daan upang maiwasan ang sakit.
Ang pagkakaroon ng hepatitis B ay masusuri sa pamamagitan ng simpleng pagsusuri ng dugo, na maaaring gawin ng walang laman ang tiyan na pagkain.
“Ang mga laboratoryong lumahok ang gagawa ng test, ng mga pagsususri at pagko-kontrol ng analytical data, na garantiyado angprivacy at ang kalidad ng proseso, at ibibigay ang mga resulta sa araw na itinakda”, paalala ni Vincenzo Panarella, ang presidente ng FederANISAP . “Kumpara sa mga benepisyo sa kaalaman at katiwasayan para sa kalusugan, ang magiging istorbo ng test ay dapat na hindi isaalang-alang”.