Dumadami at lumalaki na ang zona verde at tanging isang rehiyon na lamang ang zona rossa sa Italya. Ito ay ayon sa updated map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC ng Sept. 30, 2021.
Kumpara sa huling mapa ng ECDC kung saan naitala ang 3 zona rossa, sa kasalukuyan, ay 1 rehiyon na lang ng Italya ang nasa zona rossa o high risk zone, 8 ang nasa zona verde o low risk zone at 12 ang mga rehiyon ang nasa zona arancione o moderate risk.
- Regioni in zona rossa: Calabria.
- Regioni in zona arancione: Campania, Emilia Romagna, Friuli-Venezia Giulia, Lazio, Marche, Puglia, Toscana, Provincia Autonoma di Bolzano, Umbria e Veneto, Basilicata, Sicilia.
- Regioni in zona verde: Sardegna, Abruzzo e Liguria, Valle d’Aosta, Lombardia, Piemonte, Molise e Provincia Autonoma di Trento.
Ang sitwasyon ng pagkalat ng Covid19 ay sinusukat ng ECDC batay sa rate ng mga kaso ng positibo sa 14 na araw sa bawat 100 libong mga residente, kasama ang positivity rate sa mga isinagawang Covid test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe.