in

Highway Code sa Italya, maraming pagbabago

Inaprubahan ng Council of Ministers ang final draft ng panukala tulad ng mas mabigat na parusa sa mga gumagamit ng mobile phones habang nagmamaneho at pagbabago sa autovelox. Magkakaroon din ng mas mahigpit na pagbabantay, sa pamamagitan ng distance control, sa mga hindi magbibigay priority sa mga pedestrians. Bukod dito, ang pagkokontrol sa mga lugar na No Parking ay paiigtingin din.

Pagpapawalang-bisa sa driver’s license

Pawawalang-bisa hanggang tatlong taon ang lisensya para sa sinumang nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol. Sususpendihin naman ang lisensya sa walang ingat na pag-overtake at pagmamaneho nang taliwas sa trapiko o contromano. Ang sinumang gumagamit ng droga at mapapatunayang positibo sa alcohol test ay nanganganib na tuluyang pawalang-bisa ang driver’s license.

Paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho

Itataas ang multa mula € 165 sa € 660,00 at mula €422 sa € 1,697 para sa sinumang gagamit ng moblie phone habang nagmamaneho at suspendido ang driver’s license mula 15 araw hanggang dalawang buwan mula sa unang paglabag.

Sa kaganapan ng paulit-ulit na paglabag sa loob ng dalawang taon, bilang karagdagang parusa sa suspensyon ng lisensya mula isa hanggang tatlong buwan, na nasasaad na sa kasalukuyang code, ang pagbabayad ng halagang mula € 644 hanggang € 2,588 at babawasan pa ang points sa driver’s license: 8 points kung unang paglabag at 10 points para sa pangalawang paglabag”.

Prayoridad ng mga pedestrians

Ayon sa Ministry of Infrastructure posibleng mapatunayan ang paglabag sa obligasyong bigyan ng priyoridad ang mga pedestrians at mga cyclists sa mga tawiran o pedestrian lanes sa pamamagitan ng distance control.

No Parking

Bukod dito, masisigurado din ang paglabag sa No Parking sa mga reserved space.

Hiniling ng maraming alkalde na taasan ang multa sakaling magpaparada sa mga parking space na nakalaan sa mga PWDs: ang mga ciclomotori at motocicli sa €165 hanggang €660 (sa ngayon ay mula €80 hanggang €328) at para sa ibang uri ng sasakyan naman € 330 hanggang €990 (sa ngayon ay €165 hanggang €660).

Mas mabigat na multa sa pagparada sa mga reserved lane at mga bus stop at lahat ng pampublikong sasakyan: para sa mga ciclomotori at motocicli sa €87 hanggang €328 (sa ngayon ay €41 hanggang €168) at mula €165 hanggang €660 para sa iba pang uri ng sasakyan (sa ngayon ay €87 hanggang €344).

Autovelox

Sa kahilingan pa rin ng mga alkalde, itataas sa administrative fine hanggang €1,084 at suspensyon ng lisensya mula labinlima hanggang tatlumpung araw, sa kasong ang paglabag sa speedlimit sa loob ng residential area ng dalawang beses sa isang taon.

Monopattini

Mayroon ding mga bagong panuntunan sa mga monopattini tulad ng obligadong pagsusuot ng helmet, pagkakaroon ng platenumber  at insurance. Ang mga ‘sharing’ ay hindi maaaring lumabas sa authorized area. Mas mabigat na parusa sa mga unauthorized parking, ang contromano o ang pagmamaneho ng taliwas trapiko partikular sa mga delikado at mahahalagang kalsada.

Matatandaang inaprubahan ang unang draft noong Hunyo at pagkatapos ay ang positibong opinyon at ilang suhestyon mula sa State-Region Joint Conference. Gayunpaman, matapos aprubahan ng Council of Ministers ang final draft ng panukalang batas ay kailangang dumaan muna ito sa Parliament na maaaring tumagal ng ilang buwan. Ang mga pagbabagong nabanggit sa itaas ay ipatutupad lamang matapos sumailalim sa Kamara at Senado, sa paglalathala nito sa Ofiicila Gazette at sa paglabas ng implementing decree. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Racial profiling sa Italya, kinondana ng UN

Saan mataas ang sahod sa Italya? Narito ang JobPricing Geography Index report