Sa Linggo, October 29 ay mas hahaba ng isang oras ang tulog sa Italya, at samakatwid sa Europa. Ito ay dahil sa muling pagbabalik ang ora solare.
Ora solare, atras o abante?
Atras ba o abante? Ito ang karaniwang katanungan tuwing sasapit ang Autumn season.
Sa ganap na 3:00 am sa Linggo ay ibabalik paatras ng isang oras, sa 2:00 am ang mga orasan. Samakatwid, ito ay magbibigay ng mas mahabang tulog ng isang oras.
Ang ora solare ay mananatili hanggang March 2024 sa pagbabalik ng ora legale.