"Halos kalahati ay Syrian at Eritrean”.
Roma, Hulyo 21, 2014 – Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, ang mga migrante at asylum seekers na pumasok sa Italya ay tinatayang hihigit sa 67,000. Ito ang datos na kinumpirma ni Jose Angel Oropeza, IOM Director Coordinating Office for the Mediterranean in Rome at tinukoy na halos kalahati ng mga migranteng dumating ay pawang mga Syrian at Eritrean nationality. Bagaman marami rin ang nagbuhat sa Somalia, Mali at Gambia, dagdag pa nito. Marami rin ang mga pamilya at ang mga non accompanied minors: higit sa 6.500.
Nitong nakaraang Miyerkules lamang, ayon pa sa IOM International Organization for Migration ay umabot sa 1,171 ang mga migrante at asylum seekers ang sinaklolohan sa Sicily ng “Mare Nostrum” na kumikilos sa operasyong nabanggit.
''Kabilang din sa mga kategoryang sinaklolohan ang maraming biktima ng trafficking. Dahil dito, ay nilikha ng IOM ang ‘Praesidium’ bilang bahagi ng kanilang proyekto – ito ay isang anti-trafficking team na aktibo sa Sicily at Puglia na may layuning palakasin ang pagkilala at proteksyon sa mga biktima ng trafficking at exploitation”, pagtatapos ni Oropeza.