Umakyat na sa 84,027 katao ang may bakuna laban Covid19 sa bansa. Ito ay ayon sa opisyal na datos ngayong umaga, January 3, 2021.
Sa Lazio ay umabot na sa 17,374 ang mga nabakunahan. Ito ang rehiyon na may pinakamataas na bilang sa kasalukuyan. Ang Provincia di Trento naman ang nangunguna sa percentage ng mga nabakunahan (45.1%) sa bilang ng dosis na 4,975.
Matatandaang 9,750 ang bilang ng mga dosis ng Pfize-Biontech noong December 27 na dinala sa Italya. 469,950 dosis naman ang sumunod noong January 1.
Basahin din:
Bakuna kontra Covid19, epektibo lamang pagkatapos ng ikalawang dosis
Makukumpleto lamang ang immunity protection mula sa impeksyong hatid ng SarsCoV-2, matapos ang ikalawang dosis nito. Ito ay ayon kay Franco Locatelli, ang presidente ng Consiglio Superiore di Sanità.
“Sa mga scientific articles at medical files, ay malinaw na nasasaad na mayroong mga nahawa ng covid19 matapos mabakunahan. Ito ay dahil hindi pa kumpleto ang immunity protection. Makukumpleto lamang ang immunity matapos ang ikalawang turok ng dosis. Sapat na dahilan kung bakit kailangan pa rin ang mag-ingat at sumunod sa protocols ng gobyerno matapos ang mabakunahan”.
Kakulangan ng medical staff at mga hiringgilya
Kulang ang medical staff at mga hiringgilya: ito ang mga hadlang sa kampanya ng pagbabakuna kontra Covid sa Italya. Sa unang tatlong araw, higit sa 52,000 na dosis ang naiturok. Samantala sa ibang bansa, ay higit na mabilis ang pagbabakuna kaysa sa Italya. Kumpara sa Israel ay 11% na ng populasyon ang nabakunahan. Sinusundan ng UK at Germany, pagkatapos ay ang Poland at Croatia. Sa Italya ay umabot pa lamang sa 0.08% ng populasyon.